6,655 guests

Kris, muntik paiyakin ni Maine

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 728

Sa kanyang Facebook account ay ikinuwento ni Kris Aquino na muntik na siyang paiyakin ni Maine Mendoza at labis siyang natuwa sa sincerity nito.

“In our first meeting, Maine made me teary-eyed. Pinataba niya ang puso ko. Thank you, Maine. #KrisMeetsMaine #ThisIsREAL,” ang caption ni Kris sa kanyang video na ipinost.

Matatandaang naganap ang unang pagkikita nina Kris and Maine last Wednesday, Nov. 30 nang interbyuhin niya ito for her Kris Aquino Digital at sabay silang nanood ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers kung saan ay special participation ang AlDub.
   
Sa video ay naglagay si Kris ng 5 things she likes about Maine at  ikinuwento kung bakit siya na-touch sa phenomenal star.
   
“When I first met Maine Mendoza for our first opportunity to bond, she left a very good first impression,” simula ni Kris.
   
Ang unang nagustuhan daw niya kay Maine ay napakaganda ng mata nito.
   
“Her eyes are so pretty! Na-shock ako seeing how her eyes sparkle when she makes kwento and how they twinkle when she smiles,” lahad ni Kris.
   
Pangalawa, magkapareho raw ng year of birth sina Maine at panganay niyang anak na si Joshua.
   
“In fact, she’s just 3 months and 1 day older than my panganay,” she stated.
   
Pangatlo, naramdaman daw niya ang pagmamahal ni Maine sa pamilya.
   
“Nakwento niya that when she was in college, she had to travel to Manila and go home to Bulacan everyday. That kind of effort only means hirap sila not to be together,” patuloy ni Kris.
   
Ang pang-apat na nagustuhan niya kay Maine ay ang honesty nito.
   
“Her honesty was so refreshing. We both love music. She’s a Coldplay fanatic while I love Taylor, Demi, Selena and Justin.”
   
At ang pang-lima, ang humility raw ni Maine.
   
“Her humility was heartfelt. She whispered to me, ‘Miss Kris, gusto ko lang po mag-thank you.’ And I was clueless so I asked her why. She said, ‘Kung wala po kayo, ang lahat ng ito ay hindi mangyayari.’
   
“Of course, I didn’t want to make it obvious but her thank you made me teary-eyed. OMG.
   
“This isn’t false humility but nakakataba ng puso definitely,” saad ni Kris.
   
Sa pagtatapos ng video ay nagpahayag din ng pasasalamat si Kris kay Maine.
   
“Maine, Thank you for the wonderful movie date, for invigorating my self-confidence, and for inspiring me to do so much more for all future spoofers and dubsmashers.”

* * *

Still on Maine, ano pa nga ba ang dapat abangan sa kanila ni Alden Richards pagkatapos ng short vacation nila sa Europe?
   
Ayon sa dalaga, dapat daw abangan ng mga fans ang next project nila ni Alden.
   
“We are currently working on something outside Eat Bulaga at dapat abangan nila ito.”
   
Masaya rin ang Pasko ni Maine this year dahil nga patuloy pa rin siyang tinatangkilig ng mga tao at halos lahat ng gawin niya ay nagki-click.
   
Ang latest success nga niya ay nagawa niyang maging top-selling ang ineendorso niyang CDO Funtastyk Young Pork Tocino kaya naman masayang masaya ang ka-loveteam ni Alden.
   
Say nga ng dalaga, eversince ay fan daw siya ng nasabing produkto kaya sobrang happy siya na naging number one ito sa market.