7,625 guests

Service firearm ng pulis ‘ninakaw’ ng kabaro

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 206

Isang miyembro ng Laguna Police Provincial Office ang nawalan ng service firearm dahil sa umano’y kinuha ng kanyang kabaro sa kanilang iisang locker na kanilang pinaglalagyan ng personal na kagamitan sa Camp General Paciano Rizal, Sta. Cruz, Laguna.

Ang pagkawala ng isang Glock 17 Gen. 4 USA, 9mm ay agad ipinagbigay-alam ni PO2 Stephen Rae Santillan Sillador, 28, matapos matuklasan ang pagkawala dakong alas-10 ng umaga noong Nobyembre 29 ng taong kasalukuyan.
    
Samantala, ayon sa report ng pulisya, ang hi-nihinalang kumuha ng baril ay ang kasamahan nitong kinilalang si PO1 Melvin Alcaraz Paner, 25, na nakadestino sa Laguna PPO.
    
Base sa pahayag ng biktimang si Sillador matapos magharap ng reklamo sa Sta. Cruz police, magkasama umano ang kanilang mga gamit ni Paner sa iisang locker sa nasabing kampo kung saan nakalagay ang kanyang service firearm na inisyu sa kanila ng pamunuan ng PNP.
 
Samantala, nagbigay ng pahayag si Paner hinggil sa kanyang pagkakamali dahil inakala nitong sa kanya ang dinampot na baril na isinilid niya sa kanyang sling bag.
 
Nagtungo umano ito (Paner) sa Sunstar Mall sa Bgy. Gatid subalit natuklasan nito ang biglang pagkawala na baril dahil sa malaking butas ng bag na hinihinala nitong dinukot ng hindi kilalang sa-larin o kaya’y nalaglag ito at hindi nito namalayan.
    
Nakatakda namang magharap ng kaukulang kaso ang pulisya laban sa suspek.