5,671 guests

Bakbakan sa ihi, nauwi sa giyerang Liza at Baron!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 628

Maleta nina Lovi at Tom, naiwan sa Mexico

Ano’ng nangyari at bakit sina Baron Geisler at Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño-Seguerra na ang may “word war?”
   
Sila na ang nag-aaway, nabaling sa kanila ang isyu at hindi na kina Director Arlyn dela Cruz at Ping Medina.
   
Ang latest post pala ni Baron sa Facebook, hindi raw siya naapektuhan sa paninira sa kanya at ang picture ni Ping na naka-f_ck you sign.
   
“So low” daw ’yun sa mga naniwala agad.  Aniya pa, “Inspect... know the truth, ’wag mag- judge agad. Plastic na industria.”
   
Dedma sina Liza at Ping kay Baron, wala silang mga bagong pahayag.
   
Si Direk Arlyn, nangakong magmu-move-on sa isyu matapos sabihin na hindi niya inaasahang papabor o kakampi sa kanya ang mga kapwa direktor sa pelikula o telebisyon.
   
Marami namang taga-showbiz ang pabor na i-ban si Baron at ’wag nang bigyan ng projects.

* * *

Sa social media post ng best friend ni Boobay na si Ate Gay, sinabi nito na, “’Di ako nagkamali ng pakiramdam, mabuting tao si Marian... salamat sa pagsagip kay Boobay ha... mamahalin ko kayo habang ako’y nabubuhay... salamat salamat salamat.”
   
Naging close friends sina Marian Rivera at Boobay nang magkasama sa Extra Challenge.
   
Tsika ni Boobay, nahiya pa siyang lumapit sa aktres, pero ito ang unang lumapit sa kanya.
   
Naging friends sila at present si Boobay sa mga important occasion sa buhay ni Marian.
   
Binibigyan din ni Marian si Boobay ng signature shoes na ipinagmamalaki nito at pinu-post sa Instagram (IG).
   
Ang tsika, four days walang tulog si Boobay bago na-stroke sa sunud-sunod na raket.
   
Biro naman ni Allan K, kahit for the love (walang tf) pinupuntahan ni Boobay.
   
Mag-iingat na ito paggaling at balita ng BF nito, maganda ang prognosis ng mga doctor.

* * *

Kahit drama ang Ika-6 Na Utos, ang Afternoon Prime ng GMA-7 na magpa-pilot sa December 5 after Eat Bulaga, masaya ang presscon, lalo na nang makiusap si Gabby Concepcion na ’wag nang “Kuya Gabby” ang itawag ni Sunshine Dizon sa kanya.
   
Hindi raw maganda na ang leading lady niya ay ganu’n ang tawag sa kanya.
   
Pati kay Ryza Cenon, who plays his mistress, nakiusap din si Gabby na ’wag na siyang pinu-po.
   
Sumaya pa ang presscon sa binanggit ni Daria Ramirez na guwapung-gwapo siya kay Marco Alcaraz nang una niyang makita at matangkad pa.
   
Biniro si Marco ng press na natawa lang, ililibre raw niya si Daria sa next taping nila.
   
Malakas ang impact ng trailer ng Ika-6 Na Utos at naniniwala si Direk Laurice Guillen na tama ang time slot nito dahil mga misis ang viewers.

* * *

Nakabalik na ng bansa kahapon sina Tom Rodriguez at Lovi Poe mula sa Havana na hindi na yata naibigay ang luggage nila na naiwan ng airline nang sumakay sila sa Mexico.
   
Nabasa namin kay Lovi na polo ng Bench ang suot niya dahil hindi dumating ang luggage na naglalaman ng mga damit niya.
   
Bumili na lang yata sila ng mga damit sa Havana o they were provided by Bench na nagdala sa kanila roon for a pictorial.
   
Pagkapahinga, balik-taping sina Tom at Lovi para sa Someone to Watch Over Me at si Tom, diri-diretso ang taping up to December 21 dahil sa Dec. 22, lilipad siya for the States para dalawin ang parents, lalo na ang amang may sakit.
   
After New Year na ang balik ng aktor sa Pilipinas.
   
Hindi natupad ang plano ni Tom na isama ang GF na si Carla Abellana, pero malay natin at sumunod ito sa BF para magkasama sila sa Kapaskuhan?