8,820 guests

Alive!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 521

Jennylyn at Dennis, may baby

ASO ang “baby” nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na pinanga-lanan nilang baby Conor. Take note na ginawan ni Jen ng Instagram account si Conor na @conor_ mer-cado, huh!

Siyempre pa, may pic sina Jen at Dennis na kasama ang kanilang “baby,” huh! Ang tanong ng nagmamahal sa kanila, kelan ang totoong baby? He! He! He!

Apparently, Jen is back from Amsterdam kung saan nagpakaligaya sila ni Dens. Eh, bukas, last taping day na ng GMA Saturday show niyang Superstar Duets. Hindi na siya puwedeng mag-absent dahil baka magalit na sa kanya ang GMA bosses!

* * *

NALUHA si Glaiza de Castro nang mabasa ang binigay sa kanyang script para sa taping ng Encantadia. Eh, sa nakaraang post ng Kapuso actress sa Instagram account niya, may pahaging siyang ayaw na niyang maging kontrabida sa GMA telefantasya.
   
Of course, taliwas naman sa totoong buhay ang kasuklam-suklam na role niyang si Pirena. Kaya nang mabasa niya ang script na ’yon, nalungkot siya dahil na-realize niyang ang sama ng role niya.
   
Mabagsik kasing kontrabida ang dating ni Glaiza kaya naman sa kanya ipinagkatiwala ang role. Pero sweet naman siya sa likod ng kamera, huh!

* * *

ALIVE and kicking muli ang komedyanteng si Joey Paras sa Sunday PinaSaya kahapon. Eh, mukhang hindi naman taped ang episode na ’yon sa supermarket live na siyang umapir.
   
Sumailalim sa angioplasty si Joey kaya napahinga sa GMA Sunday show. Hindi naman stressful ang eksena niyang ’yon unlike kapag ang segment ay sa karinderia kung saan sigaw siya nang sigaw!
   
Dahil sa operasyon, hinay-hinay muna ang komedyante sa trabaho. Kahit kaibigan niya ang yumaong director na si Wenn Deramas, ayaw naman siguro ni Joey ang sundan ang yapak ng kaibigang director, huh!