12,116 guests

FPJ, inspirasyon ni Vic sa ‘Enteng Kabisote’

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 359

Si Mother Lily tiniyak na sasali pa rin siya sa MMFF next year kahit hindi nakapasok ngayong taon ang Mano Po 7: Chinoy, pero si Vic Sotto, depende pa kung sasali. 

Kuwento nito, wala sana siyang balak sumali this year sa filmfest nang magkaroon ng pagbabago ang rules ng MMFF.  Pero itinuloy pa rin nila ng APT Entertainment, OctoArts Films at ang kanyang M-Zet ang Enteng Kabisote10 and The Abangers.
 
“Pareho kami nang pag-kakaintindi ni Mother Lily na may hatian, 50-50 at hiwalay ang indie at mainstream na hindi nangyari. For next year, we’ll see how it goes. We’ll try again next year,” sabi nito.
   
May nabanggit si Vic sa presscon na walling at flooring scene niya sa movie at napanood namin sa trailer ang eksena. Nakita rin namin na may halong animation ang Enteng Kabisote10 at nakuwento ni Vic na nag-level up sila sa technology at pati sa acting ng buong cast, on point.
   
Tinanong si Vic kung bakit mahal niya ang karakter niyang si Enteng at ang sagot nito, “Mahal ko siya dahil mahal siya ng mga tao of all ages. Malapit sa puso ko si Enteng dahil dyan ako nagsimulang mag-venture sa pagpoprodyus  and from there, nag-graduate ako as  a producer. Malaking bagay siya for me as an actor and producer. Totoong tao si Enteng kahit engkanto ang mga kasama niya.”
   
Si FPJ ang inspirasyon ni Vic sa pagiging producer, ito ang nagtulak at nagdikdik sa kanya na dapat ’pag Pasko may pelikulang napapanood ang mga bata. Napaaga ang Pasko ng mga bata dahil sa Miyerkules, Nov.  30 na ang shouwing ng Enteng Kabisote10.

* * *

May love triangle na nabuo sa Encantadia kina Ruru Madrid, Gabbi Garcia at Kylie Padilla. May Team Ybarro at Alena (Ruru at Gabbi) at Team Ybrahim (Ruru at Amihan) at nagsasagutan sila ’pag may eksena si Ruru sa bawat isa.
   
Nababasa ni Ruru ang tweets ng viewers na galit sa kanya dahil tinuhog ang magkapatid. Sabi nito, hirap pumili si Ybarro at Ybrahim dahil first love niya si Alena at nagkakagusto siya kay Amihan. Sa real life, walang isyu dahil si Gabbi ang love ni Ruru at si Kylie may Aljur Abrenica.
   
Isa pang ikinatutuwa ni Ruru sa Encantadia nagkaroon siya ng dalawang anak. Si Mikee Quintos ay kaedad niya at si Avery Paraiso ay older sa kanya, pero ‘pag taping, para siyang totoong ama sa dalawa.
   
Hindi pa alam ni Ruru ang tsikang extended up to February 2017 ang fantaserye. Wish nito hanggang sa ending ng karakter niya para masaya ang Pasko, Bagong Taon at Valentine’s Day, bukod pa sa enjoy siya sa Encantadia.

* * *

Nasa Havana, Cuba sina Lovi Poe at Tom Rodriguez ngayon para sa pictorial ng Bench at sa socmed ni Lovi, may mga nagtatanong kung ano ang atmosphere sa Cuba sa pagkamatay ni Fidel Castro. Either busy sa pictorial ang aktres o ayaw lang makialam sa isyu dahil hindi siya taga-roon, kaya walang sagot sa mga nagtanong.
   
May pinost na picture si Lovi kasama ang isang Austrian model, nakakatawa ang reaction ng followers ng aktres. May chemistry daw sila at may nag-request na

ipasalubong sa kanya ang model.
   
Anyway, pagbalik nina Lovi at Tom, tuloy sila sa taping ng Someone To Watch Over Me at dumating na sa isa sa climax ang story nito. Magsasama-sama na sa iisang bahay sina Lovi, Tom at Max Collins sa pakiusap ni Lovi kay Max. Kaawaan ng viewers si Joanna (Lovi) rito at magagalit sila kina TJ (Tom) at Irene (Max).

* * *

Nagkaroon ng bonding session ang One Up boy group ng GMA Artist Center sa kanilang fans noong November 24 sa Sky Ranch Tagaytay. Kahit sina Ralf King, Brent Valdez, Kevin Sanga, Jay Arcilla, Joemari Nielsen at Arjan Jimenez lang ang present at kulang ng apat na members, naging masaya ang okasyon.
   
Buong hapon kasama ng fans ang One Up, nagkuwentuhan, sabay-sabay kumain, sumakay sa thrill rides sa amusement park at walang katapusang picture taking. Dagdag na tuwa sa fans ang giveaway na ibinigay ng One Up galing sa Selecta Moo at Boardwalk. Sabi ng fans, sana maulit at makasama uli nila ang One Up.