8,778 guests

2 child stars, pumalit sa Daniel-Erich series

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 411

HAWAK ngayon ng unit ni Direk Ruel Bayani ang day-time slot ng ABS-CBN dahil after matapos ng Be My Lady nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, teleseryeng Langit Lupa na project din ni Direk Ruel ang ipapalit dito. In fact, magsisimula na ito ngayong Lunes bago mag-Showtime.

Halos isang taon ang itinagal sa ere ng By My Lady na naging dahilan para mas makilala pa nina Erich at Daniel ang isa’t isa. Nalungkot din ang dalawa na hindi na nila makakasama ang cast ng programa na naging ka-close na rin nila.
   
With the new series na pagbibidahan ng mga batang sina Yesha Camile at Xia Vigor na dumaan sa matinding audition, uma-asa si Direk Ruel na ta-tangkilikin din ito ng tele-veiwers. Kasama ng dala-wang bata sa Langit Lupa sina Patrick Garcia, Yam Concepcion, Jason Abalos, Ellen Adarna at marami pang iba.
   
Sa istorya ng Langit Lupa, pareho mang prin-sesa ng kanilang pamilya sina Xia at Yesha, mag-kaibang buhay naman ang kanilang kinagisnan. Lu-maki sa marangyang pamilya ang una, samantalang simpleng buhay naman ang kinagisnan ng huli.
   
Dahil sa kanilang pagkakaiba, nagsimula sa away ang kanilang pagkakaibigan pero hindi nagtagal, nauwi din ang dalawa sa pagiging mag-best friends.
   
Other infos sa dalawa: Si Yesha ang grand i-Shiner ng Promil Pre-School I-Shine Camp. Nakalabas  na siya sa Nathaniel at Hawak Kamay. Si Xia naman ang grand winner ng Mini Me ng It’s Showtime. Lumabas na rin siya noon sa Ang Probinsyano.