4,455 guests

Lalaban!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 555

Direk Joyce, ‘naramdaman’ ang pagkabigo sa MMFF

Kung ang Mano Po 7: Chinoy ay sa Dec. 14 ipalalabas, mas mauuna pa ang Super Parental Guardians nina Vice Ganda at Coco Martin dahil sa Nov. 30 na ang showing nito.

As we all know, parehong hindi nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2016 ang mga nasabing pelikula kaya para mapanood na ng mga tao, ipalalabas ito before the filmfest.

Nagpa-presscon na rin ang Super Parental Guardians last Tuesday na dinaluhan ng dalawang bida, si Direk Joyce Bernal at ang child stars na sina Awra Briguella at Onyok Pineda, gayundin ang isa pang cast na si Pepe Herrera.
   
Sa presscon, natanong sina Vice Ganda at Coco kung ano ang naging pakiramdam nila na hindi napili ang pelikula nila sa MMFF 2016.
   
“Na-sad,” pag-amin ni Vice. “Siyempre, normally, na-sad kasi ’yun naman ang intensyon namin, eh    -- sumali sa film festival -- pero ready kasi kami. ’Yung kami at saka Star Cinema, ready kami kung ano ang gagawin namin kung hindi masasama sa filmfest kaya hindi kami taranta. Nakalatag kaming lahat, ready kami.
   
“Tapos, una, sad (ang naramdaman), nu’ng nasa Showtime ako, pero slight natawa, kasi si Vhong (Navarro) din, so, dalawa kami (na hindi nakapasok sa MMFF).
   
“Kaya nag-usap kaming dalawa, ‘siguro, kung ikaw lang nalaglag,’ sabi ko kay Vhong, ‘tapos ako hindi, ang sakit lalo sa ’yo. Ako rin, kung ako lang nalaglag, ikaw hindi, ang sakit din sa ’kin. Pero dahil dalawa tayo, hindi masyadong masakit,’ sabi kong ganu’n kay Vhong,” tsika ni Vice.
   
Pag-uwi raw niya ng bahay, nabasa niya ang magagandang tweet ng mga tao, na ang daming nalungkot na hindi napasama ang movie niya at ang daming naghanap sa pelikula niya kaya naiyak siya.
   
“Sobra akong na-overwhelm, naiyak ako. Iyak ako nang iyak kasi nagkaroon ako ng realization na may maganda na pala akong naiambag sa mga buhay ng mga tao tuwing Pasko ngayon, na hinahanap nila ako ngayong Pasko, na naging bahagi na pala kami ng Pasko nila, na gusto nila, ngayong Pasko, bahagi ulit kami, na malaking bagay sa kanila na hindi kami magiging bahagi ng Pasko nila ngayong taong ito.
   
“Kaya sobra akong na-overwhelm, sabi ko, ‘ay, ang sarap ng feeling na I was able to do something right, I was able to serve my purpose,’ kasi ’yun ang purpose ko, eh -- magpasaya ng tao, magpatawa, magpangiti, magpahagikgik, magpagaan ng pakiramdam. At ’yun ’yung naramdaman nila sa mga huli naming pelikula.
   
“Kaya na-serve ko ’yung purpose ko. I was just so happy. And itong pangyayaring ito na mas napaaga ang pagpapakita natin sa kanila ng pelikula, it’s a big blessing,” pahayag ni Vice.
   
Ayon naman kay Coco, hindi siya agad nakapagsalita nang malaman niya na hindi sila pasok sa MMFF 2016.
   
“Kasi, lagi kong sinasabi, everytime na nagmi-meeting kami sa Star Cinema, sabi ko, kahit hindi ako gumawa ng (pelikula) sa isang buong taon, basta makagawa lang ako ng isang filmfest, for Metro Manila Film Festival tuwing Kapaskuhan, ’yun ang talagang gusto kong gawin, bukod sa soap opera sa TV.
   
“And then, pinangako ko kasi sa dalawang bata (Awra and Onyok), eh, sabi ko sa kanila nu’ng ano, ‘gagawa ako ng filmfest,’ sabi ko, ‘isasama ko kayo saka si Pepe,’ and then, siyempre, tuwang-tuwa ’yung mga bata,” sey ni Coco.
   
Bukod pa rito, pinaghirapan daw nila ang pelikula with the intention na makapagbigay-saya sa mga tao ngayong Kapaskuhan.
   
Kaya nang nalaman daw nilang hindi nakapasok sa festival ang movie, nalungkot siya.
   
“Pero sabi ko na lang sa sarili ko, alam ko, may magandang purpose ’to, eh. Na hindi man kami nakasali, alam ko na may dahilan kung bakit,” he said.
   
Napalitan daw ng excitement ang kalungkutan nila dahil nga ipalalabas na sila at ito na ang nilu-look forward nila ngayon.   
   
“At least, ang importante, sure tayo na maganda ’yung pelikula natin. Kaya ’yun po, ’yun ang nagpapalakas ng loob ko ngayon,” say pa niya.
   
Natanong din ang direktor na si Joyce Bernal kung ano ang masasabi niya, lalo pa nga’t naging parte rin siya ng jury ng MMFF before.
   
“Okay po ako sa naging desisyon nila. Actually po, nakaramdam na po ako na most likely ay hindi kami matatanggap, nakaramdam na po ako nu’n. Kasi, change has come, binago nila ’yung submission, naramdaman ko ’yun, binago nila ’yung execom (executive committee), so, parang may gusto silang pinaparating talaga. Meron silang gustong sabihin, meron silang gustong iparating. So, naramdaman ko po ’yun.
   
“Hindi po ako part ng selection committee, when I was one of the jury noong ano (in the past), para ikwestyon ka, pinag-uusapan po ’yun, gini-grade-an namin ’yun, we deliberate on it even before the grading mismo. So, meron po talagang prosesong sinusunod.
   
“So, sa lahat po ng jury, kung anuman, ng selection committee, nirerespeto ko po ’yung ginawa nila na trabaho nila, at kung ano po ’yung gusto nilang gawin, nirerespeto ko rin po ’yun this coming Metro Manila Film Festival.
   
“At saka, kung gusto pa nina Coco and Vice next year na gumawa nu’n, lalaban po kami next year,” sey ni Bb. Joyce.
   
Nilinaw din ng direktora na hindi sumama ang loob niya.      
   
Ayon naman sa Star Cinema people, naka-move-on agad sila nang malamang hindi natanggap ang movie dahil kumilos sila sa playdate.
   
“No one wasted time,” sey ni Vice. “Parang ‘ay, wala? Okay, go!’ Ano agad, excited tayo, tapos positive, walang galit, walang nag-aaway.
   
“Everyone was positive doing the promo, everyone was positive doing the movie and everyone is positive na masaya itong pelikulang ito at positibo ang magiging reaksyon ng mga tao,” diin pa ni Vice.