4,653 guests

Vice Ganda, masusubukan matapos isnabin ng MMFF

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 456
Vice Ganda Vice Ganda

AS everybody knows, Vice Ganda is out of this year’s Metro Manila Film Festival. Dahil hindi napili ang pelikulang The Super Parental Guardians na pinagbibidahan nila ni Coco Martin. Kasama rin sa pelikula sina Simon “Onyok”Pineda at McNeal “Awra” Briguela.

Tiyak na aabangan ang tapatan nina Vice at Awra dahil may chemistry na ang dalawa. At napatunayan nila ito sa anniversary special ng Ang Probinsiyano na ginanap sa Araneta Coliseum kamakailan lang. Kaya tiyak na isa ito sa aabangan sa pelikula ni Bb. Joyce Bernal. Sa mga nakaraaang edisyon ng MMFF, tanging ang yumaong Wenn Deramas ang naging director ni Vice sa lahat ng kanyang mga pelikula. Swak na swak ang kanilang tandem. Kaya naman pumatok ang kanilang mga pelikula. Mahirap kabugin  ito. Akala nga namin hindi na sasali si Vice sa taunang film festival. But as they say, the movie, er, show must go on.

Despite busy schedule, their movie was finished in time for the deadline of submission for “picture lock”- a “must-requirement” in this year’s selection process. Gayunpaman, masusubukan ang tambalan nila ni Direk Joyce sa unang pagkakataon. The pressure is more on Direk Joyce; especially now that her movie was snubbed by the MMFF screening committee. Sa kabilang banda, nagulat kami sa desisyon ng Star Cinema na ipalabas na ito ngayong November 30. Bakit kaya hindi nila ito ginawang opening salvo sa Bagong Taon? Just asking...

MCLISE, ‘DI NA MAPIGILAN SA PAGSIKAT

UNTI-UNTI nang sumisikat ang tambalan nina McCoy de Leon at Elisse Joson. Unang nagkasama ang dalawa sa Pinoy Big Brother Lucky 7 Celebrity Edition. Doon nalaman na may crush itong si McCoy kay Elisse; na nauwi sa tuksuhan. Hanggang mabuo ang love team nila bilang McLise nang lumabas na sila sa Bahay ni Kuya.

Nakasama si Elisse sa cast ng Be Careful with My Heart pero mas nakilala bilang “hugot girl” sa isang burger TV commercial. Si McCoy naman ay miyembro ng Hashtags. Today, their tandem is fast becoming one of showbiz’s hottest loveteams. They even have a TV commercial together to boot. Their exposure in the hit series, Ang Probinsiyano gives them extra mileage. Sa aming nakikita, may following talaga ang kanilang loveteam. At hindi lang gawa-gawa ng network.
   
Sa mainit na suporta at pagtanggap ng kanilang fans, mabibigyan na kaya sila ng teleserye na sila ang prime bida ngayong 2017? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwangmalayangpamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum naito para sa anumang paglilinaw o karagdagangkomento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..