12,006 guests

Pagkamatay ni Blakdyak, palaisipan pa rin

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 501
Blakdyak Blakdyak

NAGULAT ang publiko sa maagang pagkamatay ng singer-comedian na si Blakdyak (Joseph  Formaran Amoto in real life), 46, na natagpuang walang buhay at nakabalot ng plastic ang ulo ng kanyang anak na si Tommy  ganap na ika-6 ng gabi sa inuupahan nitong condo unit  sa Sampaloc, Manila.

Pinuntahan umano ni Tommy ang ama para ipaalaala ang gig nito pero wala na itong buhay at kalat-kalat umano ang kuwarto nito.

As of this writing ay hindi pa alam ang dahilan ng pagkamatay ni Blakdyak na nakilala during the `90’s dahil sa kanyang mga comic songs tulad ng “Modelong Charing,”  “Noon at Ngayon,” “Asin at Paminta,” “Goodboy,” “Bilin ni Lola,” “Bumbay” at iba pa under Viva Records.  Nakagawa rin siya ng ilang pelikula under Viva Films at naging bida sa pelikulang “Asin at Paminta” with Eddie Garcia.

Si Blakdyak ay half-Filipino at half-Barbadian at tubong Olongapo City.

Matagal ding nawala sa eksena si Blakdyak until noong 2014 siya’y maaresto dahil sa diumano’y panggugulo sa kanyang inuupahang apartment sa Cubao in Quezon City.

RHEN, NATUWA SA PAGKAKATAON

NATUTUWA  ang dating miyembro ng “Walang Tulugan with the Master Showman” ng yumaong si German `Kuya Germs’ Moreno, ang singer-actress na si Rhen Escano na nabigyan siya ng pagkakataon na makagawa ng indie movie sa pamamagitan ng “Si Magdalola at ang mga Gago” na dinirek ni Jules Katanyag at napasama sa recently-concluded na Cinema One Originals Film Festival.  Ang naturang pelikula ay nabigyan ng Jury Award sa katatapos pa lamang na awards night kung saan tinanghal na best actress si Jasmine Curtis Smith dahil sa mahusay nitong pagkakaganap bilang lesbian sa pelikulang “Baka Bukas”.  Tinanghal namang best actor ang longtime boyfriend ni Eula Valdez na si Rocky Salumbides para sa pelikulang “Lily”.
   
In terms of acting awards, mukhang napag-iwanan na ni Jasmine ang kanyang nakatatandang kapatid na si Anne Curtis. Sa kabila nito, very proud naman siyempre si Anne sa kanyang bunsong kapatid ganundin ang boyfriend ni Jasmine na si Jeff Ortega.

MMFF, PARANG NA-PREEMPT NG MALALAKING PELIKULA

ANO kaya ang pakiramdam ngayon ng mga namumuno ng Metro Manila Film Festival na ang mga pelikulang pinagmumulan ng more than  half of their revenue na hindi nakapasok sa taong ito ay mauunang ipalabas bago ang MMFF na magsisimula on December 25?
   
Ang inaasahang Top 4 sana sa MMFF kung sila’y nakapasok tulad ng “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” ni Vic Sotto, “The Super Parental Guardians” nina Vice Ganda at Coco Martin, “Mano Po 7: Chinoy” ni Richard Yap at “Mang Kepweng Returns” ni Vhong Navarro ay nakatakda umanong ipalabas before MMFF simula sa November 30 and December 7 respectively.
   
Sa apat na pelikulang nabanggit, halos iisa ang genre ng “Enteng Kabisote 10,” “The Super Parental Guardians” at “Mang Kepweng Returns.” Ang “Mano Po 7” lamang ang naiba.  Kapag sabay-sabay na naipalabas ang apat na pelikula before MMFF, parang nagkaroon ng mini-filmfest thereby pre-empting the 2016 Metro Manila Film Festival.
   
Ang kaibahan lang ngayon, hindi pa bakasyon ang mga bata sa school although holiday ang November 30 at wala namang pasok sa school ang mga bata ng Sabado at Linggo kaya baka dito na lamang babawi ang mga producers.
   
Malaki naman ang edge ng movie ng Star Cinema at Viva Films na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin dahil tiyak na bubugbugin nila ang promo ng pelikula sa telebisyon.  May “Eat Bulaga” at “Hay, Bahay!” naman ang “Enteng Kabisote 10” ni Vic Sotto.  May daily exposure naman si Vhong Navarro sa “It’s Showtime” kung saan niya kasama si Vice Ganda na meron pang “Magandang Gabi Vice”.  Nariyan din ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.
   
Ang “Mano Po 7” naman ng Regal Films at “Mang Kepweng Returns” ay magre-rely  na lamang sa movie trailers, TV guestings at mall shows ng cast.  Of course, nariyan din ang suporta ng social media.
   
Sa totoo lang, baka mas magiging maingay pa ang pagpapalabas ng apat na pelikula before MMFF  kesa sa festival proper.

VIC, NALUNGKOT PARA SA FANS

HINDI ikinakaila ng veteran comedian na si Vic Sotto na nalungkot siya sa hindi pagkakapasok ng pelikulang “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” sa 2016 Metro Manila Film Festival.  Nalungkot siya hindi para sa kanyang sarili kundi sa mga bata at pamilya na taun-taon nag-aabang ng kanyang pelikula lalupa’t once-a-year lamang siya kung gumawa ng pelikula at ito’y inilalaan niya para sa MMFF.
   
Marami ang nagsasabi na hindi umano kumpleto ang MMFF kung walang pelikulang kalahok si Vic Sotto.
   
“Puwede namang manood ang mga bata after school o di kaya sa araw ng Sabado at Linggo kasama ang kanilang pamilya,” pahayag ni Vic.      
   
Dahil sa pagiging positibong tao ni Vic, naniniwala siya na kahit hindi pumasok sa MMFF ang pelikula niya ay tatangkilikin pa rin ito ng publiko na naghahangad na matawa at ma-entertain.

DIREK TED, NAGULAT SA DESISYON NG MMFF      

HINDI makapaniwala ang baguhang movie at TV director na si Ted Boborol (also one of the three directors ng top-rating morning TV series na “Be My Lady” na magtatapos sa ere ngayong Biyernes) na makakapasok sa Metro Manila Film Festival ang pelikulang kanyang dinirek under Star Cinema, ang “Vince &  Kath & James,” isang low-budget movie na pinagbibihan nina Julia Barretto, Joshua Garcia, Ronnie Alonte at Maris Racal.
   
Sa kabila na wala siyang major star in the movie at mga baguhan pa ang iba, Ted did his best bilang director sa kabila ng kanyang limited budget.
   
Hindi ikinakaila ni Ted na talagang na-shock siya nang malaman niya na pasok sa Magic 8 ang kanyang pelikula na base sa online series na sinulat ni Jenny Ruth Almocera.

FRANCINE, BALIK-RADIO

EXCITED ang singer-actress at radio anchor na si Francine Prieto na muli niyang babalikan ang pagiging anchor sa radio/TV sa pamamagitan ng “Twogether” na pagsasamahan nila ng actor na si Jay Manalo over DZRJ 810 AM Radio/Cablelink Channel 7 ng 8 TriMedia Network.
   
Dating napapakinggan at napapanood si Francine sa teleradyo ng DZMM sa late night program nila ni Bobby Yan na ex-boyfriend ng singer-actress. 
   
Ang “Twogether” nina Francine at Jay ay magsisimulang mapakinggan sa darating na Linggo,  November 27, alas-11 ng gabi hanggang ala-1 ng madaling araw.
   
Parehong excited sina Francine at Jay dahil first time nilang magsasama sa radio/TV.  Nagpapasalamat ang dalawa sa lady boss ng 8 TriMedia na si Kaye Dacer.