4,834 guests

Hindi na rin kami magugulat, Madame De Lima

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 394

SABI ni Kiko Pangilinan at ng kanyang pangkat na madidilaw ang mukha, wala pa raw closure ang isyu ng paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ano ba talaga ang gusto n’yong closure o katapusan ng isyung ito? Noong sinabi ni Pangulong Digong na dapat nang mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos, sabi n’yo hindi puwede.

Kasama kayo sa mga ipokritong nagkuwestiyon ng legalidad nito sa Korte Suprema ’di ba? Hinayaan ng lahat na tumakbo ang legal na proseso. Nakibahagi lahat kayo sa argumento at malayang diskusyon.

Matapos ang desisyon ng korte na nagsasabing walang labag sa batas sa kautusan ni Digong, hindi ba sapat na closure na iyon?
   
Ngayon naman sinasabi n’yo, gagawa kayo ng paraan sa mga darating na panahon kung paano maaalis ulit si Marcos sa kanyang puntod.
   
Kiko, hindi closure iyon, kapag binuksan mo ang nitso, opening ang tawag doon!
   
Ang dilaw talaga ng mukha n’yo!

* * *   

Bilis ng pahayag ni Leila de Lima.
   
Hindi na raw siya magugulat kung isangkot siya ni Kerwin Espina sa sindikato ng droga.
   
Don’t worry, madame, hindi ka nag-iisa. Kami rin hindi na magugulat d’yan!

* * *   

Highest growth rate ang naitala ng bansa sa ikatlong bahagi ng taon.
   
Sa numerong 7.1, ito na ang highest sa recent past history ng bansa. Wala pa rito ang mega infra projects na gagawin ng Duterte administration na inaasahang in full swing sa susunod na taon sa ilalim ng bagong General Appropriations Act.
   
Tall order ito hindi lang para sa mga negosyante bagkus ay para rin sa mga kababayan natin mula sa poorest of the poor at working class. Kailangang pumasok sa loob ng kanilang kusina ang 7.1 economic growth rate upang hindi lang sila maimpatso ng mga numero tulad ng nangyari sa mga nakaraang administrasyon.
   
Naniniwala akong nakapagpasigla sa ating ekonomiya ang payapang paligid, pagbaba ng bilang ng mga pakalat-kalat na kriminal at ang maramihang pagsuko ng mga sugapa sa bawal na gamot.
   
Napataas nito ang business confidence, mas mabilis at malaya ang economic activity saan mang panig ng bansa dahil nabawasan ang mga sagabal.
   
Kahit ano pang pintas ng mga madidilaw ang mukha kay Pangulong Digong, lumilitaw na nasa tamang direksiyon ang bansa sa ilalim ng kanyang pamamahala.
   
Buhay ang ating pag-asa, may nalalabi pang mahigit limang taon ang Duterte administration.

* * * 

Dapat maimbestigahan ang ugat ng pag-ambush kay Customs Deputy Commissioner Arturo Lachica.
   
Masyadong malalim ang isyung ito na hindi dapat pabayaan ng mga awtoridad.
   
Sana lang pangunahan ni Customs Commissioner Nic Faeldon ang pag-imbestiga dahil masyado nang masama ang image ng ahensiya, nadagdagan pa ng pagpatay kay DepCom Lachica.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.