6,487 guests

Hustisya kay BoC DepCom Lachica

  • Written by Marlon Purificacion
  • Published in Opinion
  • Read: 598

'Uncovered'

GUSTO nating batiin ang pamilya Marcos sa ginawa nilang palihim o biglaang pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kung ipinaalam kasi nila ito sa publiko nang maaga, sigurado ako na magkakagulo dahil may ilang grupo ang nais samantalahin ang mga pagkakataong ito para gumawa ng ‘madugong senaryo.’

Alam kong ‘agitated’ pa hanggang ngayon ang anti-Marcos movement. Para silang mga batang paslit na naisahan sa isang laro.

’Wag magalit sa atin ang mga anti-Marcos dahil karapatan nilang isigaw ang kanilang saloobin.

Pero hindi lamang po kayo ang tao sa lipunan. Hindi lamang kayo ang may karapatang magbi­gay ng sarili ring pananaw.

Nirerespeto natin ang inyong pinaghuhugutan -- lalo na uli iyong pamil­ya ng biktima ng Martial Law.
   
Pero iyong mga politikong pulpol na walang ginawa kundi makisawsaw sa isyu, wala ka­yong karapatang ngumawa sa kalsada.
   
Kung tutuusin, hindi na kasalanan ng mga Marcos kung bakit lugmok pa rin tayo sa kahirapan hanggang ngayon.
   
Kasalanan ito ng mga nakalipas na administrasyon na binigyan ng pagkakataong manu­ng­kulan sa bayan at higitan sana ang sinasabing maling pamamalakad ni Marcos.
   
Pero ano ang ginawa ng mga naging Pangulo ng bansa at mga nakapaligid sa kanila after Edsa People Power 1 at Edsa People Power 2?
   
Hindi ba mga nagtampisaw sila sa mundo ng korapsiyon?
   
Mga nangakong pa­patinuin ang bayan, pero iyon pala, sandamakmak din namang mga magnanakaw at corrupt.
   
Nailibing na si Apo.
   
Isigaw n’yo nang hindi siya bayani para sa inyo, pero hindi n’yo puwedeng bawiin ang katotohanang minsan sa kasaysayan ng bansa, si Makoy ay naging sundalo, Pangulo at marami rin namang nagawa para sa bayan!
   
Sana naman maka­pag-move on na tayong lahat at harapin na lang ang bagong hamon ng bansa -- ang walang humpay na paglaban sa korapsiyon at ang malala pa ring problema ng krimen at drug addiction.
   
May the soul of former President Ferdinand Marcos be rest in peace, lalo na ngayong nasunod na ang kanyang huling kahilingan!

* * *
   
Huwebes ng gabi. Magkakasunod na tawag sa telepono ang ating natanggap.
   
Tinambangan daw si Bureau of Customs  (BoC) Deputy Commissioner for Internal Administration Group (AIG) Arturo ‘Art’ Lachica sa may Sampaloc, Maynila.
   
Hindi ko kilala si DepCom Lachica. Gayunman, ipinaaabot ng ‘UNCOVERED’ ang ating pakikiramay sa pamilya ng opisyal.
   
Nakaaalarma ang pangyayaring ito dahil kung kailan ipinagyayabang ng Duterte administration na nabawasan na ang krimen sa bansa, heto’t may isang mataas na opisyal ng pamahalaan ang pinatay sa pa­mamagitan uli ng ‘riding in tandem.’
   
Ipinagtanong natin si Lachica sa mga kaibigan natin sa pantalan.
   
Kahit papaano, ma­buting opisyal daw ito.
   
Hindi siya tulad ng ibang namamahala sa Customs na lahat na lang ng kargamento ay kinokotongan.
   
Kamakailan, sinibak si Atty. Arnel Alcaraz bilang officer-in-charge ng Enforcement Group ng BoC. Pinalitan siya pansamantala ni Isabelo Tibayan.
   
Kapwa may Career Executive Service Board (CESB) sina Lachica at Alcaraz.
   
Pero kung ikukum­para ang dalawa, hamak na brusko raw si Alcaraz kasi mapa-guwardiya o babaing empleyado umano ay minumura at sinisigawan nito.
   
Maraming isyu laban kay Alcaraz. Ang tsismis sa pantalan, masyado na raw naging masiba at matakaw ito para umano gumawa ng pera.
   
Si Alcaraz din ang tinutukoy ng Pangulong Duterte na gusto niyang masibak na BoC official noong November 1.
   
Ayon sa ating impormante, malaking isda ang nasagasaang tinangka umanong ‘kotongan’ ni Alcaraz. Ito’y si Felix Ang na may-ari ng Mercedez Benz Philippines.
   
Diumano, pilit  ina-audit ni Alcaraz ang worth P700 million na back taxes ni Ang. Panggigipit daw umano ito bilang pabor naman sa manok ni Alcaraz na si Robert Coyiuto, Jr., chairman at CEO ng Coyiuto Group of Companies na PGA Cars o Audi Philippines.
   
Hindi ko sinasabing totoo agad ang impormasyong ito dahil kahit anong oras, puwedeng magbigay ng kanilang panig ang mga nabanggit nating personalidad.
   
Ang ‘moral lesson’ lang sa mga kuwentong ganito, kapag talagang rekta ka talagang maisumbong sa Malakanyang, mabilis pa sa alas-kuwatro kung sibakin ka sa puwesto.
   
Paano na lang kaya ang sumbong na pati raw si Commissioner Nick Faeldon ngayon ay bulag na rin sa talamak na smuggling activities ngayon?
   
Papaniwalaan din ba ng Pangulong Duterte na tumatanggap na rin ito sa lahat halos ng Customs broker?
   
Sabagay, noong Hulyo nang ipatawag ni Faeldon ang mga Customs officials, galit na binalaan niya ang mga ito na papatayin sakaling mahu­ling gumagawa ng kabulastugan.
   
“If I have to kill one of your officials, every opportunity I get, I will do that. If that is the only way you want to reform this bureau. Naintindihan n’yo ako? ...The first i­­d­iot that I will caught, I will personally kill,” ani Faeldon.
   
Ang tanong ngayon, may kinalaman kaya ang mga pagbabantang ito sa pagkamatay ni Lachica?
   
Eh paano nangyaring kung sino pa ang hindi masyadong corrupt na opisyal ay siya pa ang pinatay, samantalang iyong mga garapalan kung gumawa ng pera sa Customs ay buhay na buhay pa rin para humakot ng multi-million-peso kotong sa pantalan?
   
Siyanga pala, bukod sa mga Customs player, tuloy naman ang ginagawang kotong ngayon ng ilang tauhan ni Faeldon na mangre-raid umano ng bodega ng mga pekeng produkto, pero iyon pala, ala-hu­lidap operation din ang kanilang ginagawa.
   
Antayin n’yo po ang buong kuwento rito ni National Press Club (NPC) President Paul Gutierrez dahil hawak na n’ya ang dokumento!