6,660 guests

Bebot mangungutang ng pera, binoga

  • Written by Itchie G. Cabayan
  • Published in Metro
  • Read: 192

PATAY ang isang 27- anyos na vendor matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaki habang papa-lapit sa kanyang kai-bigan para mangutang ng pera kamaka-lawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Nasawi habang ginagamot sa Gat Andres Memorial Medical Center (GAMMC) si Apple Joy Villanueva Basilides, 27,  ng 401-B, Int. 40, Perla Street, Tondo, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Tumakas naman ang mga suspek na nakilala sa mga alyas na ‘Eugene’ at ‘Mac-mac Paule’ matapos ang krimen.

Sa impormasyon nakuha ni SPO1 Lester Evangelista, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, sa isang saksi na hindi nito pinangalanan, lala-pitan umano ng biktima ang saksi nang makita ito habang nag-aayos ng gulong ng kanyang bisekleta para manghiram ng pera pero naud-lot nang sumulpot ang dalawang suspek at pinagbabaril ang biktima.

Kaswal lamang naglakad ang dalawang suspek nang tumakas bitbit ang ginamit na baril.
    
Naganap ang insidente dakong alas-3:05 ng hapon sa harap ng bahay ng biktima.
    
Patuloy naman ang manhunt operation laban sa dalawang suspek.