5,176 guests

Strict no-parking ordinance ipatutupad sa San Pedro

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 202

Upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko, mahigpit nang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng San Pedro, Laguna, ang pagparada sa magkabilang lanes sa Rizal Avenue at Colago Avenue hanggang sa SPC Cathedral batay sa city ordinance na pinasimulan na kahapon ng umaga.

Ipagbabawal din ang pagparada sa Schetelig mula kanto ng Azucena hanggang Balagtas Blvd., Mabini mula kanto ng Rizal Ave. hanggang kanto ng Zulueta, Regidor mula kanto ng M. Paulino hanggang M. Leonor, Hermandos Belen mula kanto ng Alimario hanggang kanto ng M. Paulino at iba pang lansangan.
    
Ang pagpapatupad ng batas trapiko ay base sa city ordinance ng pamahalaan, na ang layunin ay maging maluwag ang daloy ng trapiko sa siyudad, partikular sa pangunahing lansangan kung saan ay maglalaan ang SPC Traffic Management Office ng Towing Service and Impounding Area na dadalhin sa Bgy. San Jose sa nasabing lungsod.
    
Ang charging fees, kung saan nakasaad ang iba’t ibang towing at impounding fees, mga iba pang charges sa area ng coverage na para sa light vehicles (car, jeep, pick-up, van, etc.) ay P1,000; sa heavy vehicles (six and 10-wheeler trucks) -- P2,000; at P500 sa tricycles, tri-bikes at iba pang sasakyan.
    
Ang impounding fee per day naman sa light vehicles ay P200, sa heavy vehicles ay P500 at sa tricycles, atbp, ay P50. Multang P500 naman sa prohibited parking, P1,000 sa driving or parking on sidewalks at iba pang violations na nakasaad sa nasabing ordinansa.