5,936 guests

Tommy, pinatunayan ang pagmamahal kay Miho

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 674
Tommy Esguerra, Miho NIshida Tommy Esguerra, Miho NIshida

MATUTUPAD na ang pangarap ng PBB 2nd Big Winner na si Tommy Esguerra na mabigyan ng masaganang Pasko ang pamilya ng kanyang girlfriend na si Miho Nishida.

‘I said it before when I played for Minute to Win It. Luis Manzano asked me kung ano ang gagawin ko if I win P1 million. I didn’t get the P1 million, but I got P70 thousand pesos  for being the Last Man Standing sa first round. Malaki na rin iyon!” sabi niya sa kuwentuhan para sa pelikulang “Foolish Love” ng Regal Intertainment  kung saan bida sina Jake Cuenca at Angeline Quinto, ako at si Miho (Nishida).

“My first movie with Regal is showing before Christmas and you know probably that I had received my down payment for it, so may dagdag pa ang napanaluhan ko sa ‘Minute to Win It.’

“Luck is with me because mapapanood na rin sa November 28 ang first teleserye ko na ‘Lupa, Langit’ sa Kapamilya network where I play a  teacher to two pretty child stars. As expected,  leading lady ko pa rin si Miho, siyempre. Actually Miho is also with me in the Regal rom-com.”

May isang taon ng magka-relasyon si Tommy at Miho. Akala ng madlang pipol ay hanggang Bahay ni Kuya lang ang attraction ni Tommy kay Miho. Ang guwapo niya at artistahin talaga. Ang dami rin niyang nakasamang kapwa models na ubod ng gaganda at mga dalaga pa samantalang si Miho, bukod sa mas matanda sa kanya ay may anak na at kasama ang ina na aalagaan pa.

Katwiran ni Tommy: “My feelings were genuine when I first saw Miho. She was assigned by Kuya to welcome me. It wasn’t easy communicating with her, kasi I didn’t know how to speak her language (Tagalog and Japanese). Siya naman, hindi marunong magsalita ng English. Sinadya talaga ni Kuya na maging katawa-twa ang situation, but it clicked with the televiewers.
   
“Maybe I was used to having a foreigner for a father and a Filipina mom who was my idol and inspiration. I saw mom in Miho, kaya okey kami.”
  
POKWANG, PAKAKASALAN NA RAW NG BF NA KANO SA JANUARY

HINDI lamang magiging masaya ang darating na Pasko ni Mama Pokwang kundi may naglalagablab na romansa pa sa piling ng kanyang future husband na si Lee O’Brian, isang Hollywood actor na nakilala niya sa isang pelikula na ginawa niya sa ibang bansa.
   
“Natuwa naman ako dahil guwapo si Lee, pero, hanggang ganun lang ako. Hindi man lang ako nagdasal na magustuhan niya dahil baka sagutin ako ng Diyos, na hindi kaya ng powers niya ang wish ko.
   
‘Hindi rin ako lumandi sa kanya dahil ayokong mabigo. Sakit ng puso na naman ang mangyayari. Okey na ako na magka-crush kay Henry Omaga-Diaz (newscaster), kahit may asawa na ito. Hanggang crush lang naman.  Hindi na nga ako nangarap mag-asawa. Tama na ‘yung dalawang naka-relasyon kong mga asawang Hapones. Sapat na para sa akin  naipagpatuloy ko ang masayang buhay ko sa showbiz,  kasama ang anak ko, Mama ko at mga kapatid.
   
“Sino naman ang mag-aakalang sasabihan niya  (Lee) na, ‘our kiss’ (sa movie) was the sweetest kiss he has ever experienced.”
   
“Pero, nagkatotoo. Hindi lang pala boladas ang feelings niya sa akin. Tinupad niya ang pangako sa akin na pupuntahan niya ako sa ditto sa ‘Pinas. Nakabuti rin na nagkaroon siya ng sunud-sunod na offers sa TV5 at Kapamilya network na mga projects. Siyempre, nag-isip akong baka siya na ang ‘meant to be’ ko.
   
“Nagkatotoo na naman. Ipinakilala na rin niya ako sa kanyang Mom. Tsaka mamamanhikan pa raw siya (Lee) kasama uli ang mom niya at kapatid, dahil, pakakasalan na niya ako in January early next year.”
   
“Marami ang nang-aasar sa akin sa social media. Baka raw nangangarap lang ako at gumising na raw ako sa pagkakatulog. Natawa lang ako. Hinahayaan ko lang sila.
   
“Inggit lang sila, di ba? ,: aniya na sinang-ayunan ko ng one million times.
   
“Sa 8th anniversary ng ‘Banana Sundae’ noong Linggo, escort ko si Lee. Ganun din sa Star Magic Ball. Sinorprise din ako ni Lee ng isang dance number noong birthday celebration ko sa “Banana Sundae.”
   
“Marami pang masasayang pangyayari ang nagbu-buklod sa amin na ini-enjoy din ng anak ko, Mama ko, at mga kamag-anak. What more can I ask for?

JOSEPH,  BALIK TV NAMATAPOS ANG AKSIDENTE

ANG saya namin para kay Joseph Bitangcol dahil muli na naman siyang napapanood sa TV ngayon. The last time ay sa “Maalaala Mo Kaya” kung saan gumanap siyang best friend ni EJ Falcon.
   
Natutuwa din ang inyong lingkod para sa mom niyang si Lydia na hindi maubos-ubos ang dasal na tuluyang makabalik si Joseph sa showbiz. Nagkaroon kasi ng matinding car accident si Joseph at naapektuhan ang kanyang mata.
   
Napakabait ni Joseph kaya alam niyang tutulungan ito ng Diyos.
   
Nagpapasalamat din si Lydia dahil masaya na si Joseph ngayon. Nakatagpo na rin ang kanyang anak ng isang asawa na hndi lamang tunay na nagmamahal sa kanya kundi nagsisilbi ding inspirasyon.
 
Matatandaang ikinasal si Joseph kay Francesca Tonson sa Sweet Harmony Gardens sa Taytay, Rizal early this year.
   
Isang nursing student si Francesca at naging girlfriend ni Joseph magmula December 2014.
   
We are sure masaya din para kay Joseph ang dati niyang GF na si Sandara Park (na kasalukuyang nasa bansa ngayon at isa sa apat na judges ng “Pinoy Boy Band Superstar.”
   
Masaya rin ang dati niyang BFF na si Joross Gamboa na tulad niya ay nagdaan din sa maraming pagsubok bago maabot ang tagumpay na ini-enjoy niya ngayon sa kanyang career at buhay may-asawa.
   
Isang ideal dad na ngayon si Joross ng kanyang baby boy sa non-showbiz wife.
 
Nagkikita pa kaya si Joseph at ng isang pang BFF niyang si Rafael Martinez na kasa-makasama niyang nagsimula sa showbiz?