6,061 guests

Panakaw!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 588

3 anak na babae ni Sunshine, tanggap ang bagong stepdad

Tanong ng fans kung nagdi-date ba ang magandang aktres at hunk actor na nagkasama sa isang pelikula na kailan lang ipinalabas? Nakikita kasi ang dalawa with their common friends na lumalabas at mukhang ayaw nilang ipaalam sa publiko ang tungkol dito dahil hindi nila pinu-post sa socmed accounts nila.

In fact, ang nag-post pa ng picture ay hindi nila kagrupo, nakasabay lang sa resto/bar na kanilang pinuntahan. Panakaw din ang kuha sa picture at hindi pa masyadong nagba-viral ang picture.
   
Wala pang balitang may nangyayaring ligawan sa dalawa, pero kinikilig na ang fans nila sa posibilidad na maging couple sila. Bagay ang dalawa lalo na sa kulay at height and they will make a lovely couple.
   
Ang bale magiging problema lang kung sakaling maging couple ang magandang aktres at hunk actor ay ang ex-GF ng aktor na kaibigan ng aktres. Pero mukhang naka-move on na ang ex-GF ng aktor dahil may bago na itong boyfriend.
   
Walang guilty feeling ang aktres sakaling maging sila ng hunk actor. Sana lang, hindi maging love on the rebound ang mangyari sakaling maging sila.

* * *

Magandang bisitahin ang Instagram (IG) ni Paolo Contis dahil may halong comedy ang caption sa mga pinu-post na picture. Sa IG din ng aktor nababasa ang convo nila ni LJ at mas nagpu-post ito ng picture nila ni LJ.
   
Natawa ang followers ni Paolo sa isa nitong post kasama si LJ dahil sa caption na “Sa aming taping ng Wagas ni @lj_reyes hindi lang ako busy sa pag-arte...minsan naman kama!!! But i enjoyed every minute of it...#IbaMagMahalSiKuya.”
   
Close si Paolo sa anak ni LJ na si Aki, nagsa-shopping silang dalawa. Madali ring naging friends ni LJ ang dalawang anak ni Paolo na nakita niya nang sumama siya sa Cebu. Ibig sabihin, walang magiging problema sa mga bagets ’pag sa kasalan matuloy ang relasyon nina Paolo at LJ.
   
Samantala, patuloy na napapanood si Paolo sa Alyas Robin Hood  bilang si Senior Inspector Daniel Acosta. Sa takbo ng istorya, magkakampi pa sina Daniel at Pepe (Dingdong Dantes) laban sa masasama kabilang si Wilson (Dennis Padilla).

* * *

Nakilala na rin ni Macky Mathay ang tatlong anak na babae ng GF niyang si Sunshine Cruz at sa picture nila na kanyang pinost, kitang nakangiti sila pareho. “I am very happy to have finally met you girls” ang caption ni Macky sa picture.
   
Sumagot si Angelina Isabele Montano ng “We are also really happy to finally meet you Tito Macky! Thank you for the lunch and hope to see you soon again.”
   
Sabi naman ni Sa-mantha Montano, “We are also very happy to finally meet you! Thank you so much for the food and we hope to meet you again soon!”
   
Nag-comment din si Chesca Montano ng, “Thank you for the lunch and we really enjoyed talking to you. We hope to meet you again soon.”
   
Pumasok sa Instagram (IG) ni Macky ang tatlong dalaginding ni Sunshine at nagpasalamat kay Macky. Nag-thank you rin si Sunshine sa positive meeting ng boyfriend at kanyang mga anak. Mukhang masusundan pa ang pagkikitang ’yun.

* * *

Kilig ang episode ng Encantadia dala nina Danaya (Sanya Lopez) at Aquil (Rocco Nacino). Ito ’yung eksenang nag-“I love you” si Danaya kay Aquil na itinuro ni Lira (Mikee Quintos). Hindi alam ni Sanya ang ibig sabihin ng salitang ’yun.
   
Inaabangan ng Encantadiks ang eksenang ito na nang unang napanood sa original Encantadia, kinakiligan din nang husto ng viewers. Isa ito sa mga eksenang tumatak sa tao at tiyak na magugustuhan din ng new audience ng fantaserye.
   
Samantala sa Encantadia, kumonsulta si Pirena (Glaiza de Castro) kay Cassiopeia (Solenn Heussaff) kung paano niya mababawi ang mga brilyante na hawak na ni Hagorn? Ang sagot ni Cassiopea, dapat magkasundo muna silang magkakapatid bago mabalik sa kanila ang mga brilyante.
   
Dagdag na gulo ang pagtatraydor ni Alira Naswen (Julia Lee) sa mga Sang’gre nang puntahan nito si Hagorn (John Arcilla) at ituro ang kuta ng mga Sang’gre.