7,521 guests

20-classroom building binuksan sa GenTri

  • Written by Dennis Caparas Abrina
  • Published in Provincial
  • Read: 140

GENERAL Trias City, Cavite -- Pormal nang binuksan ni Cavite 6th district Rep. Luis “Jon Jon” Ferrer IV at Mayor Antonio Ferrer ang bagong tayong Governor Luis Y. Ferrer Jr. Senior High School building sa South Square Village, Bgy. Pasong Kawayan Dos, kahapon.

May kabuuang 20 classrooms ang apat na pa-lapag na gusali na pinonduhan ng naturang lungsod para sa senior high school system na pinaiiral ng DepEd sa bansa.
   
’Di bababa sa 800 na Grade 11 pupils ang ga-gamit sa nasabing paaralan na naglalaman ng 40 mag-aaral per classroom.
   
Ipinangalan ang nasabing paaralan kay dating Cavite Governor Luis Y. Ferrer Jr., na lolo nina Mayor Ferrer at Rep. Jon Jon Ferrer at nagsilbing gobernador ng lalawigan noong 1940.
   
Pinasinayanan din ang nasabing program nina Vice Mayor Morit Sison, Bokal Jango Grepo, mga konsehal at DepEd officials ng naturang lungsod, sa pangunguna ni Dr. Prudencio Animas ng Governor Ferrer Memorial National High School.
   
Nangako si Mayor Ferrer na matatapos na ang isa pang four-storey, 20-classroom building para sa magiging Grade 12 sa pasukan sa Hunyo 2017.