4,817 guests

Pinoy transwoman, naging kaibigan si Caitlyn Jenner

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 402
Angelina (Angie) Mead King and wife Joey  Mead Angelina (Angie) Mead King and wife Joey Mead

HINDI inaasahan ng businessman at car enthusiast na si Ian King na mas kilala ngayon bilang si Angelina (Angie) Mead King na isa nang transwoman at mister o asawa ng modelong si Joey Mead-King ang pagkikita nila ng isa na ring transwoman ngayon na si Caitlyn Jenner, dating si Bruce Jenner, isang kilalang American TV personality at retiradong Olympic gold-medal winning decathlete.

Sina Angie (Ian) at Caitlyn (Bruce) na parehong car enthusiast ay nagkita sa isang car show sa Las Vegas Convention Center in Las Vegas, Nevada (Nov. 1 – 3, 2016) recently at ito ang naging daan ng kanilang pagiging magkaibigan ngayon.

Si Bruce now Caitlyn ay nag-out noong April 2015 habang si Ian naman noong nakaraang July 2016 lamang.

RAYMOND, DIREKTOR NA

BUKOD sa negosyo at paghu-host, pinasok na rin ni Raymond Gutierrez ang pagdidirek ng isang international reality show na “It Girls” na tinatampukan ng kanyang close friends na sina Isabelle Daza, Georgina Wilson, Solenn Heussaff at ang stylist na si Liz Uy.  Ang nasabing programa ay ipinapalabas sa E! Asia Cable Channel tuwing Lunes ng alas-8:30 ng gabi.

Sa mga Gutierrez siblings, mukhang si Raymond ang pinaka-busy ngayon. Liban sa pagho-host ng isang beauty pageant, hindi masyadong nakikita ang kanyang twin brother na si Richard Gutierrez na mukhang mas abala sa kanyang anak na si Zion at live-in partner na si Sarah Lahbati.

MARIEL, BUMOTO SA AMERIKA

AMERICAN citizen ang misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla kaya nakuha nitong bumoto sa presidential election last Tuesday, November 8 kahit kabuwanan na niya. Hindi lang namin alam kung ang ibinoto niya ay ang nanalong presidente na si Donald Trump.
   
Si Mariel ay nakatakdang magsilang ng first baby nila ng mister na si Robin sa ika-4th week ng buwang kasalukuyan at hindi pa rin sigurado kung makakarating ng Amerika si Binoe (Robin).  Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring ini-isyung US visa sa mister ni Mariel. 
   
Ganunpaman, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Binoe baka last minute ay mabigyan din siya ng kaukulang visa para masamahan ang asawa sa pagsilang ng kanilang first baby.
   
Si Mariel ay nakatakdang magsilang ng isang baby girl na may pangalang Maria Isabella Rodriguez Padilla.

TONI, NAMI-MISS NA NG FANS

NAGTATANONG ang fans kung kelan daw babalik si Toni Gonzaga-Soriano sa kanyang hosting job at maging sa kanilang weekly sitcom ni John Lloyd Cruz, ang “Home, Sweetie Home”.
   
Although mahusay ding mag-host si Bianca Gonzales-Intal, hinahanap-hanap pa rin talaga ang presence ni Toni sa “PBB: Lucky Season 7” dahil siya ang mukha at main host ng sikat na taunang reality show.
   
Naka-maternity leave ngayon si Toni matapos nitong isilang si Seve, ang first baby nila ng kanyang mister na si Paul Soriano.
  
BONGBONG, ‘KINUYOG’ NG MGA REPORTER

KINUYOG ng local and national media si dating Sen. Bongbong Marcos sa Tacloban City last Tuesday (November 8) kung saan siya dumalo para sa paggunita ng ika-3 taon ng typhoon Yolanda na kumitil ng libu-libong buhay hindi lamang sa Tacloban kung maging sa ilang bahagi ng Eastern Visayas dahil  sa araw ding iyon lumabas ang desisyon ng Korte Suprema na pumapabor sa pagpapalibing sa kanyang ama, si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
   
Masaya ang pamilya Marcos sa naging desisyon ng Supreme Court dahil magkakaroon na rin umano ng katahimikan hindi lamang ang kanilang pamilya kundi umaasa rin sila na sana’y ito na ang maging simula ng paghihilom ng sugat at pagkakaisa ng lahat.
   
Bago pa mang naupong presidente si Pangulong Digong Duterte ay naging vocal siya sa kanyang pagpabor na ilibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos at hindi nagbago ang kanyang pronouncement hanggang ngayon.

REGINE, MALABO NA RAW MAKIPAGBALIKANG MULI SA MISTER

MUKHANG malabo nang magkabalikang muli ang estranged couple na sina Lander Vera-Perez  at Regine Tolentino matapos ang kanilang ikalawang paghihiwalay.
   
Mahigit isang taon na ring hiwalay si Regine sa kanyang (dating) mister na si Lander pero nasa kanya (Regine) ang dalawa nilang anak na parehong babae, sina Reign at Reign na parehong college students sa Ateneo.
   
Tulad noong una nilang hiwalayan, natutunan na rin ni Regine ang pagiging single parent sa kanyang dalawang anak na para lamang silang magkabarkada.
   
Mabuti na lamang at maraming pinagkakaabalahan ang 36-year-old US-born and raised businesswoman-dancer-actress  at kasama na rito ang pagma-manage sa sariling fashion boutique at dance school.
   
Very proud din si Regine sa kanyang dalawang anak na parehong matatalino at nagmana sa kanya ng passion at husay sa pagsasayaw.

KRIS, MAY RECONCILIATORY MOVE KAY AI AI

TIYAK na marami ang curious kung dadalo ngayong hapon ang Queen of All Media na si Kris Aquino at dating BFF ng comedy queen na si Ai Ai de las Alas sa pagtanggap ng huli ng Papal Award na gaganapin ngayong alas-3 ng hapon sa Cathedral of the Good Shepherd, Novaliches in Quezon City.
   
Si Bishop Tobias (ng Diocese of Novaliches) ang nanguna sa pag-imbita para sa seremonyas na magaganap ngayong hapon.
   
Tiyak na natuwa si Ai-Ai sa gesture ng dating BFF (as in Best Friend Forever) na nagbigay ng P50,000 check bilang tulong o donasyon sa pagpapatayo ng Kristong Hari Church na tinutulungang maitayo ng singer-comedienne.
   
Kapag dumating si Kris sa nasabing okasyon, tiyak na balik na ang kanilang pagiging mag-BFF ni Ai-Ai.
   
Ano sa palagay mo, Jojo Gabinete?

BONG, ISINUGOD SA OSPITAL

ISINUGOD si dating Sen. Bong Revilla sa St. Luke’s Medical Center in Taguig City nitong weekend matapos itong magsuka at atakehin ng matinding migraine.
   
Pinayagan ang actor-politician ng Sandiganbayan na madala sa pagamutan dahil bukod sa pagsusuka at migraine ay nag-shoot-up din ang BP (blood pressure) nito na kailangang maagapan.
   
Kapag may go-signal na ang mga doctor kay Bong ay balik ito sa kanyang detention cell sa Camp Crame kung saan niya ‘kapitbahay’ ang kaibigan at dati ring senador na si Jinggoy Estrada.
   
Nagpapasalamat naman ang pamilya ni Bong sa pangunguna ng kanyang misis na si Bacoor Mayor Lani Mercado na pinayagan ang dating senador na madala sa pagamutan for an immediate medical treatment.