12,230 guests

Napaso!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 545

Kilalang aktres, ayaw na ilako ng talent caster sa ad agencies

NABUWISIT ang isang talent caster ng TV commercials sa isang kilalang aktres na nirekomenda niya para sa isang produkto ng food chain.

Sa isang casual interview kasi, nang tanungin ang aktres kung ano ang gusto niyang kinakain pang-meryenda, ibang produkto ang sinabi at hindi ang produktong iniendorso, huh!
   
Mabuti na lang at magaling humilot ang talent caster sa agency ng produktong ini-endorse ng aktres. 
   
Hindi pinutol ng ahensiya ang kontrata nila sa aktres. Pero never nang umulit ang aktres sa pagkakamali niyang ’yon kaya hindi siya sinibak bilang endorser.
   
Sa loob-loob naman ng caster, hindi na niya irirekomenda ang aktres sa ibang ad agency.

* * *

SABAY-SABAY ang posts ng GMA Network ng stars nilang ni-renew ang kani-kanilang kontrata. Ibig sabihin, masaya ang Pasko at 2017 ng mga artistang ito, huh!
   
Una naming nakita sa Instagram account ng GMA si Sef Cadayona. Todo smile siya sa muling pag-renew niya ng kontrata sa network.
   
Isang teleserye raw ang kanyang gagawin.
   
Pumirma rin ng bagong kontrata sina Betong Sumaya,  Mike “Pekto” Nacua at si John Feir. Lahat sila ay may kani-kanyang show sa GMA.
   
Wish nila, matawa muli ang tao sa kalokohan nila at masayang-masaya sa bagong tiwala ng Kapuso management sa kanila.
   
Ang bagong lipat naman sa GMA ay si Mika de la Cruz, kapatid ng semi-retired na si Angelika de la Cruz.   Galing siya sa Star Magic at nakalabas na sa ilang shows sa ABS-CBN.
   
Sa una niyang project sa GMA, si Barbie Forteza ang kanyang makakabangga.

* * *

UNANG birthday ni Pauleen Luna kahapon bilang Mrs. Vic Sotto. Simple lang naman ang pagbating ginawa sa kanya kahapon sa Eat Bulaga.
   
Siyempre, no less than Bossing Vic ang siyang nagbigay ng cake sa kanya. Dama ang kilig sa buong Broadway Studio sa mga sandaling ’yon.
   
Eh, ang birthday ng asawa ang next na mahalagang okasyon sa buhay ni Vic nitong linggong ito.
   
Sa nakaraang araw, nag-birthday ang anak niyang si Paulina.
   
Bago ’yon, naging lolo siyang muli nang manganak si Kristine Hermosa ng baby boy na ipinangalan ang unang name sa kanya. 
   
Komo lolo sa bagong apo, ibig sabihin, lola na rin si Poleng, huh!