5,493 guests

Tinedyer binuntis ng kuya

  • Written by Cesar Reyes
  • Published in Provincial
  • Read: 317

APAYAO -- Isang 17-anyos na out-of-school youth, kasama ang kanyang tita, ang nagsampa ng reklamo sa Sta. Marcela Municipal Police Station bandang alas-10 ng umaga kamakalawa dahil sa umano’y pagsamantala sa kanya ng nakatatandang kapatid na lalaki, 25, binata at magsasaka.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay nangyari sa bahay ng kanilang mga magulang sa Bgy. Marcela, Sta. Marcela, noong Mayo 4, 2016, bandang 10 p.m. kung saan ay pinagsamantalahan ng suspek ang kapatid na nagresulta ng pagkabuntis sa biktima.
   
Ayon sa biktima, hindi siya agad nakapagsumbong dahil pinagbantaan siyang papatayin kapag nagsumbong kahit kanino.
   
Sinabi pa ng biktima na siya ay nakatira sa kanyang lola sa Batac, Ilocos Norte, noon pang 2011 nang siya ay magbakasyon sa Sta. Marcela noong May 1, 2016,
   
Ang kaso ay kasalukuyang iniimbestiga-han ng mga otoridad.