12,231 guests

Natabunan!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 519

Pagka-fan ni Maine, lumabas! ... Nag-I love you pa kay Piolo

NATABUNAN ang panalo ng bagu-hang aktres na si Hasmine Kilip bilang Best Actress at Eduardo Roy Jr. na Best Director sa Hanoi International Film Festival para sa pelikulang Pamilya Ordinaryo, huh!

Eh, katatapos pa lang magbunyi ng bansa sa pa-nalo ni Paolo Ballesteros bilang Best Actor sa Tokyo International Film Festival para sa movie na Die Beautiful na sinundan ng panalo ni Senator Manny Pacquiao kay Jessie Var-gas, kaya iilan lang ang nakaramdam ng panalo ng Pinoy sa international filmfest.
   
Buti pa nga nu’ng ru-mampa si Hasmine sa Ve-nice International Film Festival, lumikha siya ng ingay nang rumamp a sa red carpet. Pero wala siyang ginawang eksena sa Ha-noi, huh!
   
Gayunpaman, honor na ring maituturing ang achievement nina Hasmine at Direk Roy kahit na nga hindi ito masyadong nabigyan ng moment, huh!

* * *

NATULOY ang pagsasama sa show nina Piolo Pascual at Maine Mendoza sa Biñan, Laguna last Saturday, November 5.
   
Sa naglabasang picture ng dalawa na kuha ng fans nila, nagkakahiyaan pa raw sa unang pagkikita sina Papa P at Meng. Inilabas naman sa website ng ABS-CBN na lumabas ang pagiging fan ng Phenomenal Star nang makita sila ni Piolo, huh!
   
Ayon pa sa website, sa isang video na uploaded ng isang netizen sa Instagram, ramdam daw ang kilig kay Meng habang kausap si Papa P. Pati na ’yung pag-I love you niya kay Piolo habang binabati ang mga tao sa holding area.
   
Agad namang dumipensa kay Maine ang isang netizen. Paggaya lang daw  kay Toni Gonzaga sa softdrink commercial niya with Piolo ang ginawa ni Meng!
   
Sa kasabay na araw, nasa Imus, Cavite naman si Alden Richards para sa promo ng kanyang album.

* * *

NAKAPAGSARA na naman ng bagong endorsement si Marian Rivera. Kahit Sunday PinaSaya lang ang regular show, mabenta pa rin ang GMA Primetime Queen bilang endorser.
   
Eh, ilang linggo na lang, first birthday na ng anak nila ni Dingdong Dantes na si Baby Zia. As we all know, isa si Zia sa most photographed celebrity babies ngayon.

Sa November 23 ay first birthday na ng bata. Sa pahayag noon ni Yan Yan, simpleng birthday lang ang inihahanda nila ni Dong.  Pero that remains to be seen, huh!