7,026 guests

Angelica, ayaw nang maniwala sa forever

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 468

TWICE nang naging saksi ng followers ni Angelica Panganiban sa dalawang ulit niyang pagkabigo sa pag-ibig. Na akala nila, tulad din ng kanyang mga tagahanga, will last forever. 

Of course, common knowledge na nag-last for nearly six years din ang relasyon nila ni Derek Ramsay. Na sinundan ng maituturing na parang ideal romance with John Lloyd Cruz.
   
But as Angelica proclaimed during the presscon for The Unmarried Wife, duda na siya at ’di na rin umaasang may forever ang pakikipagrelasyon. As will be proven, likewise in The Unmarried Wife, where she plays a faithful wife as Anne to Geoff (Dingdong Dantes), pero openly ay pinagtaksilan siya nito.
   
The Unmarried Wife marks her third team-up with Dingdong, with whom she had worked with in Segunda Mano and One More Try.
   
It’s her first team-up with Paulo Avelino, who, as Bryan, plays her best friend, willing to take her after her marriage to Geoff failed.
   
Bryan promises her to give her an ideal life na ’di niya naranasan kay Geoff.
   
The Unmarried Wife is the directorial comeback naman ni Maryo J. delos Reyes for Star Cinema. He last directed for the Star Cinema, I’ll Be There, in 2010.

* * *

Maliban pala sa ongoing series, Till I Met You, where former Kapuso talent Enzo Pineda is featured, nasa cast pa rin siya ng upcoming Star Cinema movie na Extra Service.
   
Star Cinema, is, of course, the film company ng ABS-CBN, which is the producer of Till I Met You.
   
While in Till I Met You, Enzo co-stars with James Reid, Nadine Lustre and JC Santos, among others, in Extra Service, kasama niya ang tatlong magandang talents ng Kapamilya Networks na  sina Arci Muñoz, Jessy Mendiola at Coleen Garcia.

* * *

Pass na muna ang pagiging endorser ng isang young actress for a top company for ladies dahil sa sunud-sunod daw na ’di gaanong magagandang nababasa tungkol sa kanya mula nang ma-link siya sa isang equally popular male personality.
   
Wow, what one needs to give up for love.