8,832 guests

Proud!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 459
Paulo Avelino & Dingdong Dantes Paulo Avelino & Dingdong Dantes

Proud na proud si Dingdong Dantes sa narating ngayon ni Paulo Avelino na produkto ng Starstruck 4 kung saan siya ang host.

Hindi pinalad na manalo si Paulo sa Starstruck 4 at na-eliminate siya sa Top 8 pero look at where he is now. Nalampasan niya na nang milya-milya ang mga ka-batch niyang sina Aljur Abrenica na tinanghal na Ultimate Hunk that time, Jewel Mische, Mart Escudero, among others.

Ayon kay Dingdong, noon pa mang nasa Starstruck si Paulo ay nakitaan na niya ito ng talent bilang aktor.

“Nu’ng sa Starstruck, may mga side bet kami no’n, eh. Kunyari sila ’yung top 2 winners, pero kaming  hosts, meron kaming ’yung sa tingin namin, eto (ang dapat manalo).

“During that time, siguro I would say na si Paulo ang isa sa mga na-predict ko that would really be a significant actor of his generation and true enough, nangyayari nga so proud na proud ako sa kanya,” sabi ni Dingdong sa presscon ng The Unmarried Wife kung saan ay kasama niya si Paulo.

Hindi nabigyan ng pagkakataon sina Dingdong at Paulo na magkasama noon sa GMA-7 after Starstruck hanggang sa lumipat na nga ang huli sa ABS-CBN.
   
Unang pagsasama nila ang The Unmarried Wife with Angelica Panganiban na ipalalabas na ngayong Nov. 17 and it’s very interesting to note na kung dati ay isang simpleng contestant lang si Paulo sa show na hinu-host ni Dingdong, ngayon ay pareho na silang bida sa pelikula.
   
Ayon kay Paulo, masayang-masaya na makatrabaho si Dong na noon pa ma’y nirerespeto at tinitingala niya.
   
“I’ve always been looking up to Kuya Dong not just for his talent as an actor and his artistry and his passion for films he’s producing but also as a role model para sa society natin.
   
“So, palaging nandu’n at palaging hindi mawawala ang respeto ko kay Kuya Dong,” sey ni Paulo.

* * *

Still on Paulo, first time niyang nakatrabaho si Angelica sa The Unmarried Wife at sobrang nag-enjoy daw siya working with her.
   
“Nage-enjoy akong kasama si Angelica kahit off screen. Kasi, ’yun nga, parang minsan, tahimik lang siya, minsan, parang ako ’yung nape-pressure na mag-isip ng topic para mapag-usapan namin, eh,” natatawang sabi ni Paulo.
   
“Masaya lagi. Lagi siyang may kinakanta sa set na nakakatawa. Ang dami niyang bagong baon,” natatawa pa rin niyang dugtong.
   
Onscreen, sobrang na-kakabilib daw talagang katrabaho si Angelica.
   
“It’s so nice to work with someone na kaharap mo pa lang, tinitingnan mo pa lang, nadadala ka na, napapa-niwala ka. At siyempre, gandang-ganda ka na rin. Napapaniwala ka agad sa gustong sabihin ng karakter niya sa eksena.
   
“So, I’m very blessed actually to work with two very good actors,” he said.