6,414 guests

Wagi!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 451

Paolo, best actor sa Tokyo Int’l filmfest

PANALO si Paolo Ballesteros bilang best actor sa 29th Tokyo International Film Festival kahapon para sa pelikulang Die Beautiful na dinirek ni Jun Lana.

Naka-gown na tinanggap ni Pao ang kanyang acting trophy na mala-Julia Roberts habang katabi sa stage ang kanyang director.  

Sa unang pagrampa ng host-actor, ginaya niya ang international actress na si Angelina Jolie through his expertise sa make-up transformation.
   
Nakuhanan ni Direk Perci Intalan ng video bago ianunsyo ang winner ng award.
   
Pero sa spiels ng host ay give away na si Paolo ang winner kaya agad nagsigawan ang buong team.
   
Maluha-luha si Paolo habang tinatanggap ang award sa stage.
   
“Surprised! Well I thought today was just another red-carpet premiere parade, so, I just wore…
   
“First, I would like to thank the Tokyo International Film Festival and the members of the jury for embracing our film. I thought I was up for best actress,” bahagi ng speech ni Paolo bago naputol.
   
Nagbunyi naman ang Eat Bulaga Dabarkads ni Paolo sa panalo niya sa TIFF. Bukod sa panalo niya, ginawaran din ng Audience Choice Award ang Die Beautiful.
   
Nagwagi rin sa nasabing festival sina Pamela Reyes at Mikhail Red ng best asian future film award.
   
Congratulations sa bumubuo ng Die Beautiful!

* * *

NA-MOVE sa November 18 ang announcement ng eight official entries para sa 2016 Metro Manila Film Festival, ayon sa isang source.
   
Kasalukuyan pang nag-i-screen ang members ng screening committee at imposibleng matapos nila ang submitted entries ng November 10.
   
Unang na-extend ang pagsusumite ng finished films from October 31 to November 2 dahil sa holidays.
   
Umalma na nga ang isang bagong producer sa extension ng executive committee dahil sinunod daw nila ang regulasyon.
   
Siguradong aalmahan muli ang bagong extension ng nasabing producer. Hindi pa sila sanay sa ganitong sistema ng festival, huh!

* * *

SA post ni Ogie Alcasid namin nabasa ang encounter niya sa talent na si Katchry (Alienette) eight years ago nang sumali ang Pinay sa Pinoy Idol (Philippine version ng American Idol) ng GMA kung saan judge ang singer-songwriter.
   
“I instantly became a fan as soon as I heard her voice. She was blind and had to be helped to go up on stage and find her spot. But everything she sang, it was simply magical. At least it was for me.
   
“I had hopes that she would make it. But she didn’t. I tried to make her audition in other contests but she never really made it to the finals. Two years ago, my wife and I prayed with her that one day, she will be heard.
   
“Finally, a big break arrived. A few weeks ago, I got a text from her mother that someone saw her sing a French song on YouTube and was asked if she was interested to audition for France Got Talent.             “The only problem was that she was not granted a visa.
   
“I sought the help of good friend Solenn Marie Heussaff and her father and after a few days was given one.
   
“Here is the audition video. She made it to the semifinals. I am so proud of you Katchry. So proud,” post ni Ogie kalakip ang audition video ng ating kababayan.
   
Kasalukuyang nasa Auckland, New Zealand si Ogie after ng shows niya sa Australia.
   
Dahil sa post niya, hayun at nataranta ang ilang news programs upang maibalita rito ang achievement ni Katchry sa France Got Talent.

* * *

JACKPOT sa takilya ang The Escort ng Regal Entertainment. P5M ang opening-day gross nito last Wednesday, huh!
   
Dahil sa lakas sa takilya ng movie, hayun at may additional cinemas na ibinigay kahapon, kaya sa 145 cinemas na ito mapapanood nationwide.
   
Eh, kapag maganda ang produkto, magagaling ang mga artista, malakas humatak sa manonood.
   
Kaya naman sina Direk Enzo Williams, Lovi at Derek Ramsay, sulit na sulit ang hirap na ginawa sa kabuuan ng movie.
   
Hindi rin kasi bastos ang pagkaka-execute ng sizzling scenes kaya binigyan ito ng R-13 without cuts ng MTRCB.

* * *

PINAGSAMA na  sa episode ng Magpakailanman bukas ang ayaw pa ring umamin na lovers na sina Max Collins at Pancho Magno.
   
Pero sila ang tinatawag na may tunay na relationship goals, huh! Kasi naman, bukod sa pagmamahal na inilalaan sa isa’t isa, dama rin ang suporta nila sa career ng bawat isa, huh!
   
Lalabas na mag-asawa sina Max at Pacho sa  istorya na Sundalong Magiting: The Lt. Jerome Jacuba Story mula sa direksyon ni Ricky Davao.