5,159 guests

Jake sa bashers: None of your hate will ruin our smile

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 652

Miss U sa ’Pinas, may teaser na

May nakita kaming picture ng mag-lolong sina Manila Mayor Joseph Estrada at Ellie Eigenmann na nagbebeso si Ellie kay Erap. 

Ang ganda ng picture ng mag-lolo at siguradong masusundan pa ito ng maraming pagkikita at picture taking.

Samantala, nakiusap si Jake Ejercito sa mga basher na pumapasok sa Instagram (IG) niya na tigilan ang nega comment sa picture nila ni Ellie.
   
“I posted this photo as a reminder of the wonderful day Ellie and I shared. Please take your negativity elsewhere. None of your hate will ruin our smile.”

* * *

May initial teaser na para sa gaganaping Miss Universe sa bansa.
   
Picture ni reigning Miss Universe Pia Wurtzbach ang nakalagay sa teaser na Miss Universe Live On Fox at nakalagay na sa January 29, 2017, 6 p.m. ito mapapanood.
   
Nakalagay din na sa SM MOA Arena ang venue ng Miss Universe next year.
   
Ang balita, January 13, 2017 pa lang, magdadatingan na ang candidates sa Miss Universe from different countries, kaya naman busy na ang lahat ng involved dito.
   
Ang bet ng ’Pinas na si Maxine Medina ay first cousin ng aktres na si Dianne Medina na GF naman ni Rodjun Cruz.
   
Ang laking pressure kay Maxine na dito sa Pilipinas gagawin ang Miss Universe, kaya ipag-pray natin siya, ’wag nang i-bash.

* * *

Nag-look test na si Gabby Concepcion para sa role na gagampanan sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7.
   
Kasama niya si Director Laurice Guillen sa pagtingin at pag-aaral sa magiging look niya para bumagay sa gagampanang karakter.
   
Sa December na raw ang airing ng wala pang title na Afternoon Prime, kung saan makakasama ni Gabby sina Sunshine Dizon, Mike Tan, Ryza Cenon at marami pang iba.
   
May clue na si Gabby sa role niya, may asawa siya at magkakaroon ng mistress.
   
Nakakatuwa lang si Gabby dahil hindi katulad sa ibang artista na namimili ng time slot ng show na gagawin.
   
Kung ibang A-list actor ito, hindi papayag sa afternoon slot dahil mas gustong sa primetime sila mapapanood.
   
Pero si Gabby, mas importante ang ganda ng project at ganda ng role. Idagdag pa na ang mahusay na director na si Laurice ang makakatrabaho, ano pa nga ba ang mahihiling niya?
   
Mauunang mapanood si Gabby sa Sunday comedy show ng network na Tsuperhero bilang isang pulis.        
     
Kasama niya rito sina Derrick Monasterio, Bea Binene, Betong Sumaya, Annalyn Barro, Alma Moreno at marami pang iba.

* * *

Malulungkot ang viewers ng Encantadia, lalo na ang fans ni Sunshine Dizon na gumaganap sa role ni Adhara, dahil kagabi, pinatay na ang karakter ng aktres.  Ang akala niyang kakamping si Lila Sari (Diana Zubiri) ang pumatay kay Adhara.
     
Kailangang mawala si Adhara sa story dahil magsisimula nang mag-taping si Sunshine sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7, kung saan isa siya sa mga bida. Hindi naman puwedeng dalawa ang teleserye ni Sunshine, ’yung mapapanood siya sa hapon at gabi dahil hindi niya kakayaning maglagare sa magdamagang taping.
   
Saka, magrereklamo ang viewers na puro siya na lang ang napapanood. Higit sa lahat, magrereklamo ang ibang artista ng GMA-7 kung puro na lang si Sunshine ang kinukuha nila.
   
Anyway, si Laurice ang director ng wala pang title na afternoon series.
   
Tama ba kaming asawa ni Gabby ang role ni Sunshine sa soap?

* * *

Pasalamat siguro si Andrea Torres sa Alyas Robin Hood dahil hindi na lang sexy star ang tingin sa kanya ng fans, kundi sexy/action star.
   
Dahil ito sa fight scenes niya sa action series, kung saan nakikita ang husay ni Andrea makipaglaban sa martial arts, boxing, pamamaril at pati sa paggamit ng samurai.
   
Pinost niya sa Instagram (IG) ang eksena sa Alyas Robin Hood na naglaban sila ni Joross Gamboa at gamit niya ay samurai.    
   
Sabi ni Andrea, favorite fight scene niya ’yun at naaliw siya sa mga itinuro sa kanya gamit ang samurai sword.