8,409 guests

John Lloyd at Maja, ‘Itay’ at ‘Baby Girl’ ang tawagan

  • Written by VV
  • Published in Showbiz
  • Read: 466

... aktres, umaming nakikipag-date

Inamin ni Maja Salvador that she’s dating right now pero agad niyang nilinaw na hindi si John Lloyd Cruz ang guy.

“I’m dating, but not John Lloyd Cruz,” pahayag niya sa kanyang interview with Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda.
   
Sa nasabing panayam ay ipinaliwanag nang husto ni Maja kung saan at kung bakit nagsimula ang pagkaka-link nila ni Lloydie.
   
“Nagstart kasi ’yan nu’ng post ko na nag-support kami ng How to be Yours, ’yung movie ni Gerald (Anderson) and Bea (Alonzo).
   
“And then after, sinundan nu’n ng Kapamilya Karavan sa Davao. Bago kami pumunta sa event, parang may two days off kami.
   
“So, ako, Lloydie and my handler, at iba pa naming mga kasama, nagpunta muna kami sa isang resort. Nag-enjoy muna.
   
“Siyempre, hindi naman ako nag-alanganin or nag-dalawang-isip na mag-post na kasama si Lloydie, kasi, wala naman, eh. Kasi same handler po kami,” kwento ni Maja.
   
Pero ang big revelation ay nang sabihin niyang maraming offers na project sa kanila ni Lloydie noon pa, pero pareho silang nag-aalangan parating tanggapin dahil sa turingan nilang “itay” at “baby girl” at ito nga raw din ang kanilang tawagan.
   
“Maraming projects, hindi natutuloy kasi mayroon kaming tawagan na ‘tatay’ and ‘baby girl,’” she said.
   
“Medyo may pag-aalangan sa pagtanggap kasi nga, siyempre, ’pag kailangan ng intimate scenes or mga ano, paano mo gagawin?”
   
Ikinuwento nga niyang sa movie nila na One More Chance with Bea Alonzo, kung saan gumanap siyang third party, inamin niyang nahirapan siyang gawin ’yun dahil ang tawagan na raw nila noon ay itay and baby girl.
   
So, lately, may offers na naman daw at pinagalitan na nga raw sila ni Malou Santos, managing director ng Star Cinema and Star Creatives, na tigilan na ang pagtawag ng itay at baby girl sa isa’t isa.
   
Say pa ni Maja, siyempre naman daw, nangangarap din siyang makatrabaho ang isang John Lloyd Cruz.
   
Kaya nga raw nag-start na rin siyang mag-post na parang ang dating ay, “Goodbye itay, hello Lloydie,” para itigil na rin ng fans ang pagtawag sa kanila ng itay at baby girl.
   
’Yun daw ang explanation kung bakit sila nali-link ngayon.
   
Pero hindi na nasabi pa ni Maja kung sino ba ang guy na idine-date niya ngayon.                   VV