7,904 guests

Kapatid ni James, ’di nililigawan ni JC

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 505

GRINNING from ear to ear, Ian F., ang cast ng probable Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Star Cinema, Pak Ganern Go, na sina Vice Ganda, Coco Martin and the two bagets na sina Xymon “Onyok” Pineda at McNeal “Makmak” Briguela.

Directed by Joyce Bernal, nai-submit na raw kasi ang final print ng pelikula sa selection committee ng 2016 MMFF, headed by MTRCB Chairperson Dr. Nicanor Tiongson.
   
For a while daw, nagduda ang marami behind the production na makakahabol sila sa deadline ng submission considering nga naman the busy schedule nina Vice Ganda at Coco.
   
But as Vice said: “If there’s a will, there’s a way.”
   
It will be recalled that in last year’s MMFF, Vice and Coco’s first film together, The Beauty and the Bestie, emerged top grosser.
   
The late Wenn Deramas directed it.
   
December nang ipalabas ang The Beauty... February the following year (2016) naman binawian ng buhay si Direk Wenn.

* * *

Bagama’t mag-best friend na nga raw silang talaga ni James Reid dahil sa series nilang Till I Met You, mariing itinatanggi ni JC Santos na nililigawan niya ang nakababatang kapatid ni James na si Lauren Reid.
   
Nagkataon lang daw na magkapareha sila nang i-feature sa isang recent fashion show.
   
In real life, three years na siyang going steady with Teetin Villanueva, who is a theater performer.
   
Natikman na rin daw ni Teetin ang humarap sa TV camera when she appeared as one of Janella Salvador’s best friends in the teleserye Be Careful with My Heart, which topbilled Jodi Santamaria and Richard Yap.
   
Teetin (real name: Joan Kristine) is one of three children ng mag-asawang Noel and Nimfa Villanueva na parehong nasa medical profession.
   
Director ng Davao Doctor’s Hospital ang dad ni Teetin, na isang kidney specialist. Pediatrician naman ang kanyang ina.
   
Surgery resident din ng Davao Doctor’s Hospital ang kanyang panganay na kapatid na lalaki na si Miguel.
   
Ang bunso naman nilang si Maria Lea, nag-aaral ng medisina sa University of the East.

* * *

Now that Jake Ejercito has admitted na siya nga ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie, makapag-move-on na kaya nang tuluyan si Albie Casiño?
   
For a time, si Albie ang pinagsuspetsahang nakabuntis sa anak ni Jaclyn Jose.
   
Hindi puwedeng i-deny na naapektuhan ang noo’y pumapalaot na sanang showbiz career ni Albie, dahil nga pilit niyang itinanggi na siya ang ama ni Ellie.
   
Now that the truth is out, wika nga, let’s hope, Ian f., na muling dumating ang suwerteng dapat sana’y napasa-kamay na ni Albie.
   
As someone close kay Albie said: “Ipinasa-Diyos na lang niya ang mga nangyari.  Through hard work, ibibigay din sa kanya ni God ang kung anumang ibibigay Niya kay Albie in due time.”
   
Amen, Ian F.