11,805 guests

Anne, buwis-buhay kung mag-perform

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 421
Anne Curtis Anne Curtis

ANNE Curtis is a total performer.

Kahanga-hanga talaga ang ginawang performance ni Anne para sa HaPITOgether anniversary presentation ng It’s Showtime. Kasama niya sa team sina Amy Perez at Joey Marquez. And their production number was totally nerve-wracking and mind-boggling, to say the least.

Buwis-buhay talaga ang ginawang ito ng TV host-actress. She is known for her death-defying dance routines. But this one is really for the nuts, no pun intended. For the record, siya pa lang ang artista na nag-rappel dancing sa isang building. Ganyan siya ka-passionate sa kanyang craft. She keeps on challenging herself; giving her best performance to the max. At pinatunayan lang niya kung gaano niya kamahal ang kanyang mga fans. That’s why her fans love her in return.

As an artist, Anne seems to have already conquered all. Lahat kaya pa niyang gawin sa ngayon. Pero dapat pa ba talagang gawin ni Anne ang buwis buhay na “rappel dancing” prod number na ‘yun? Just asking...

NAKARAOS SA RAPPEL, LAGLAG NAMAN SA TAKILYA?

KUNG buwis-buhay ang ginawa ni Anne Curtis sa It’s Showtime, mukhang laglag naman sa takilya ang kanyang pelikulang Bakit Lahat ng Guwapo, May Boyfriend? sa opening day nito last Wednesday.
   
Ito ngayon ang usap-usapan ng mga kaibigan namin sa entertainment press. Nagkataon na noong opening day nito ay papasok naman ang super typhoon Lawin. Kaya marahil kokonti lang ang nakapanood. Pero hindi lang bagyo ang dahilan kung bakit kokonti pa lang ang nanonood kundi ang umano’y bad reviews sa pelikula.

Sa ngayon, hindi pa namin napapanood ito kaya wala kaming basehan para pag-usapan ang kalidad nito. But off hand, it is definitely not your flash-in-the-pan movie as this is helmed by award-winning writer and director Jun Lana. Even its lead stars Anne, Paolo Ballesteros and Dennis Trillo are all competent actors. Sabi nila, ang maganda kay Pedro ay pangit kay Juan. Not being philosophical here.
   
Pero iba talaga ‘pag ang promo ay hawak ng network. The movie is co-produced by Viva and Idea First Company, which are both independent players. Its mileage on TV is courtesy of Anne and Paolo as they promote their movie in their daily afternoon shows It’s Showtime and Eat Bulaga, respectively.
   
Samantala, isang linggo lang ang pagitan ng playdate nito sa isa pang gay-themed movie na The Third Party. Nanawa na kaya ang moviegoers sa ganitong tema ng pelikula? Just asking...