7,281 guests

Pasilip

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 357
Joshua  & Bimby  with James, Michela & baby Joshua & Bimby with James, Michela & baby

Marami ang natuwa sa ibi­nalita ni Kris Aquino na inim­bita ni Michela Cazzola ang mga anak niyang sina Josh at Bimby sa intimate birthday party nito.

“Mic” na rin ang tawag ni Kris sa GF ni James Yap.

Pinost din ni James sa Instagram (IG) ang pictures nila nina Michela, Baby MJ, Bimby at Josh at pinasalamatan sina Josh at Bimby “for celebrating Tita Mic’s birthday with us.”

Umaasa ang fans ni Kris at fans ni James na tuluy-tuloy na ang pagkakasundo nila para na rin sa kanilang mga anak.

Tanong lang ng fans, kailan daw ipapakita nina James at Michela ang mukha ng baby nila?

Lagi itong nakatalikod sa pictures.

* * *

Dalawang kulay ng panty ang ipinasilip ni Lovi Poe sa The Escort at dalawang beses din siyang huhu­baran ng panty.
   
Sa eksena nila ni Derek Ramsay, black panty ang suot ni Lovi, pero hindi matutuloy ang paghubad ni Derek rito.
   
Sa eksena kay Christopher de Leon, red panty ang suot ni Lovi at dito, successful siyang nahubaran ng panty.
   
Ang hindi naitanong ng press ay kung may second panty na suot si Lovi sa eksena nila ni Boyet.
   
Ang ganda-ganda ni Lovi sa The Escort at pinaka­maganda siya sa eksenang naka-red gown siya na pumapasok sa suite ni Boyet sa hotel.
   
Nagpalakpakan ang tao na nasa premiere night sa nasabing eksena. 
   
Ang biruan ng press, walang pores ang cast ng movie dahil sa magandang lighting at cinematography.         Nalaman namin, dalawa pala ang DOP ni Director Enzo Williams para sa The Escort at may drone shot pa.
   
Kasama ni Lovi ang ina sa premiere night, may comment ito, pero ang importante, nagandahan at nagustuhan ang pelikula na showing sa November 2.
   
Kasama naman ni Derek ang parents niya at ang GF na si Joanne Villablanca, schoolmate ni Lovi sa Colegio San Agustin noong high school.
   
Kasama rin ni Derek ang GF nang kunan ang pool scene nila ni Jean Garcia na may matindi silang kissing at love scene.
   
Pinuri ng staff si Joanne dahil nasa kabilang room lang ng swimming pool, hindi sumilip sa shooting, hindi umeksena at pinabayaan si Derek na gawin ang tra­baho.
   
Nakita naming niyakap ni Lovi si Boyet bago umalis at nagpasalamat sa chance na makatrabaho niya ito sa movie.
   
Sa harap ng press people, pinuri ni Boyet sina Lovi at Derek sa pagiging professional at passionate sa kanilang craft.
   
Anyway, birthday ni Boyet sa October 31 at kasa­ma sa birthday wish niya ang kumita ang The Escort.
   
“Gusto ko lang maging big hit ang movie for Mother Lily (Monteverde) and Regal Films. For our country, let’s all hang on and pray for our country,” sabi ni Boyet.

* * *

Mukhang sobrang in love si Macky Mathay kay Sunshine Cruz batay sa posts nito sa Instagram (IG).
   
Marami ang kinilig sa post niyang, “I won’t ever leave you. I will be here for you again and again even if there is no again. I’ll make us work a priority in my life. I’ll always appreciate and look back on our beginning, I’ll make the most of our now and I’ll plan and look forward to our future because we are something that I want to last for the rest of my life.”
   
Sa isa niyang message para kay Sunshine, sabi ni Macky, “Want to say that you are beautiful, gorgeous and pretty like everyone else. But even if you consider all the adjectives, I personally think none of them best describe how truly wonderful you are as a woman.”
   
Excited na ang lahat hintayin ang magiging ending ng love story nina Macky at Sunshine. 
   
Sayang at hindi pa sila puwedeng magpakasal dahil hindi pa-annulled ang kasal nina Sunshine at Cesar Montano at pati yata si Macky sa misis niya.

* * *

Introducing sa Hahamakin ang Lahat si Bruno Gabriel, anak ni Lani Lobangco at GMA Artist Center talent.
   
One year renewable ang kontrata niya at first project niya ang Afternoon Prime ng GMA-7 na magpa-pilot sa October 31.
   
Ateneo Management student si Bruno, may accent magsalita dahil tumira sa Amerika. He stands six feet, puwedeng maging basketball player, pero sabi niya, football at  tennis ang sports niya.
   
Si Neil de Guia ang manager ni Bruno.
 
Ka-love triangle si Bruno nina Kristoffer Martin at Joyce Ching at pressure sa kanya ito dahil parehong magaling ang dalawa.
   
Nakikinig daw siya kay Director Don Michael Perez at sinusunod ang payo ng ina na basahin ang script at galingan ang acting.
   
Itinanggi nitong malakas siya sa GMAAC kaya may project agad, nag-workshop daw siya, nanood ng movies at nagtatanong bilang paghahanda sa taping. Ang gustong alisin ni Bruno ay ang nerbyos tuwing may eksena siya.