5,466 guests

Eksenang lampungan nina Derek at Jean, paborito ng non-showbiz GF ng hunk actor

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 440

Kasama ni Derek Ramsay na nanood sa red-carpet premiere ng The Escort sa SM Megamall last Thursday night ang girlfriend na si Joanne Villablanca. Patunay ito na talagang hindi selosa ang GF ng aktor at nai­intindihan ang trabaho ni Derek.

Sa The Escort kasi ay maiinit ang love scenes ni Derek with Lovi Poe and Jean Garcia.

Ayon sa aktor, usual­ly, ang mga ganitong eksena ay hindi kayang panoorin ng mga karelasyon ng mga artista kaya talagang hanga kami kay Joanne for being such a supportive and understanding girlfriend.

Tinanong nga namin si Derek kung hindi ba nailang si Joanne while watching the love scenes at aniya, “No, because she knows that it’s just all acting. Alam niya naman na acting lang ’yun.

“Basta pag-uwi, ’yung ginagawa ko sa pelikula, da­pat iba ’yung ginagawa ko...,” natawa na si Derek. “Hindi pwedeng parehong style,” natatawa pa rin niyang dugtong.
   
Natutuwa naman siya na ang ganda ng feedback  ng mga tao sa movie at sa good acting niya.
   
“Natutuwa talaga ako kasi we worked hard na maipakita namin na it’s not only ’yung sexy scenes ang laman ng pelikulang ito and ang laman ni Derek Ramsay.
   
“Ipinakita ko sa kanila na I’m very vulnerable, I wanna show them that I have another side na hindi lang puro katawan, na may laman din ang pag-arte ko.
   
“So, ang ganda ng re­action nang makita namin ’yung appreciation ng nanood tonight dito sa Megamall, na nagustuhan nila ’yung pelikula.
   
“Comment pa nga nila, this is the nicest film they’ve seen from all the films that I’ve done, and first time ko ring mapanood kanina.
   
“’Yung girlfriend ko, paglapit sa akin ni Joanne, sabi niya, ‘ito ang pinakamagandang pelikula na nagawa mo.’ Sabi ko, ‘wow!’
   
“And my mom also, ’yung mommy ko ang biggest critic ko, eh. Nag-react na siya sa trailer, sabi niya, ‘ano ba ’yan? Masyadong sexy yata ’yan!’
   
“Ngayon, natahimik siya. Sabi ko, ‘Ma, panoorin mo muna.’ And then, she’s like ‘tama ka, ang ganda ng pelikula.’
   
Si Joanne nga raw, nagustuhan ang lahat ng ekse­na.
   
“Sabi niya, lahat, nagustuhan niya. Favorite scene nga niya is the love scene with Jean Garcia. Walang sali-salita, pasok sa pool, sobrang ganda raw,” sey pa ni Derek.
   
Showing na sa Nov. 2 ang The Escort mula sa direksyon ni Enzo Williams.
   
The movie also stars Christopher de Leon, na nga­yon lang ulit gumawa ng sexy scene after a long, long while.