6,076 guests

Positibo

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 620

Pagkakakulong ni Mark, may dahilan -- Alma

...Winwyn, ’di pa ikakasal

hindi natanong si Alma Moreno tungkol sa anak na si Mark Anthony Fernandez sa open forum o question and answer portion ng presscon ng Tsuperhero ng GMA-7 last Wednesday night.

Nagmamadali rin itong umalis dahil nga susugod muli sa Angeles City, Pampanga, para balikan ang anak na nakakulong dahil nahulihan ng isang kilo ng marijuana kamakailan.

As we all know, doon muna naka-base si Alma para mas madali niyang mapuntahan si Mark sa kulungan.
   
Pero sa interview ng Pep.ph, inulit ng aktres ang hiling na ipagdasal si Mark dahil nga hindi maganda ang sitwasyon nito ngayon.
   
Nanindigan din si Alma na malalagpasan nila ang napakalaking pagsubok sa awa ng Diyos.
   
Aniya pa, “Bilang Alma, tirahin niyo na ako, pagkatao ko, pinag-aralan ko, wala sa akin ’yun. Pero bilang nanay, iba, sobra ako. Pero kailangan ko ipakita sa anak ko na malakas ako. Ang hirap nu’n!
   
“Pero marunong si Lord, eh. Iniisip ko na lang as positive. Siguro ibinigay Niya ito dahil may dahilan. Hindi Niya ibibigay ito kung walang dahilan, ’di ba?
   
“Siguro ibinigay Niya ito dahil kakayanin niya ito, malalagpasan namin ito.
   
“Siguro dahil sa dami ko na ring dinaanan, ’yun ’yon. Siguro may mas magandang dahilan Siya, dinadaan lang sa ganitong paraan.”
   
Sinagot din ni Alma sa presscon kung totoo ngang magpapakasal na ang isa pa niyang anak na si Winwyn Marquez sa boyfriend na si Mark Herras.
   
“May tiwala ako kay Winwyn. Kung talagang magpapakasal si Winwyn, magsasabi ho sa akin ang anak ko kung magpapakasal siya. So, wala pa talaga.
   
“Kasi ako, ina-advice-an ko anak ko na hanggang maaari, huwag siyang mag-asawa kasi ’pag nag-asawa na siya, magiging iba na ang priorities niya.
   
“Iba pa rin ’yung nagsawa siya sa career niya. Priority niya ang career niya. Iba ’yung nag-enjoy siya sa buhay niya ngayon.
   
“So, tiwala naman ako sa anak ko, magsasabi siya sa akin. Kaya ’yung sabi-sabi, hindi po totoo ’yun. Na magpapakasal (si Winwyn),” paglilinaw ni Ness (palayaw ni Alma).
   
Samantala, ang Tsuperhero ang pinakabagong Pinoy superhero comedy adventure ng Kapuso network na magsisimula na sa Nobyembre sa GMA Sunday Grande.
   
Si Derrick Monasterio ang gaganap na Tsuperhero.        
   
First time raw niyang gumanap na superhero.
   
Kasama niya rin dito si Bea Binene bilang love interest, Gabby Concepcion, Miggs Cuaderno at marami pang iba.