6,568 guests

Shaina, ‘hinubaran’ sa indie movie

  • Written by VV
  • Published in Showbiz
  • Read: 638

Aminado si Shaina Magdayao na nang unang i-offer sa kanya ang Lily, isa sa entries sa Cinema One Originals Film Festival, natakot siya.

“Sabi ko, parang natatakot ako, kasi first time kong gumawa ng isang hardcore independent film na parang, siyempre, ang kinalakihan ko is mainstream and at that time, I was doing Single Single (mini-series sa Cinema One) also or Story of Us na mainstream talaga at lagi nating napapanood sa telebisyon.

“So, sabi ko, if gagawin ko ’to, it’s going to be a risk, kasi unang-una, parang huhubaran ka, it’s going to be out of your comfort zone, tapos the whole film is in Bisaya,” pahayag niya sa presscon last Wednesday.
   
Nakakaintindi naman daw si Shaina ng Bisaya dahil galing nga sila sa Cebu. Cebuano ang kanyang ama.
   
“Lumaki ako na nakakaintindi ng Bisaya, pero hindi ako nakakapagsalita ng Cebuano. So, isang malaking challenge ang tinanggap ko rito bilang walang dubbing, Diyos ko! Live sound,” natatawang sabi ni Shaina.
   
“Binigyan naman nila ako ng speech coach and talagang inaral ko. Pero parang ang hirap pala ng nagme-memorize ka ng sasabihin mo, tapos iisipin mo rin kung ano ’yung iaarte mo.
   
“But of course, I wanted to do this, kasi nasa puso ko ang isang pagiging Cebuana and I want to make my dad proud,” sey pa ni Shaina.
   
Mukhang na-proud naman ang daddy niya dahil dumalaw pa raw ito sa shooting na first time ginawa.
   
“Pagod na kasi siyang dumalaw-dalaw kay Ate Vina (Morales). But this time, we shot the whole movie in Cebu also, so, three weeks kaming nandoon.”
   
Tuwang-tuwa rin daw ang daddy niya na puro Cebuano ang kasama niya sa pelikula.
   
“At narinig niya akong mag-Bisaya,” natatawa pang sabi ng aktres.
   
“Ayun, basta masaya ako na nagawa ko itong film na ito, nakatulong ako sa Cebuano industry na nagulat ako na napakalaki na pala ng film industry in Cebu. They actually hold Binisaya Film Festival there and people all over the world, they go there to watch the films,”  proud na kwento pa ni Shaina.
   
Ang direktor nga raw niya sa Lily na si Keith Deligero ay isa sa founders ng Binisaya Film Festival.
   
Ginagampanan ni Shaina sa Lily ang role ng babaing pinaghihinalaang kalahating halimaw, isang urban legend sa Cebu.
   
Ang Cinema One Originals ay mapapanood mula November 14 hanggang 22. Gagawin ang screenings sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills at Cinematheque.