6,381 guests

Kasal nina Gwen at Jeremy, naudlot

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 937

SA darating na Disyembre 10 nakatakdang ikasal ang engaged couple na sina Gwen Zamora at Jeremy Marquez (anak ng comedian at dating Paranaque City mayor na si Joey Marquez) pero mukhang ito’y mauurong to early next year, either January or February 2017) dahil busy ngayon si Gwen sa kanyang kauna-unahang teleserye sa bakuran ng ABS-CBN.

Although preparado na umano ang lahat, ang date lamang daw ang nabago.

Si Gwen ay ex-girlfriend ni Raymond Romualdez, stepson ni Tacloban Mayor Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez sa dating mayor na si Alfred Romualdez.  Nagkahiwalay ang dalawa dahil umano sa sexy actress na si Ellen Adarna pero hiwalay na rin ang dalawa.
   
Si Jeremy ay tumakbo sa pagka-vice mayor ng Paranaque pero hindi ito pinalad na manalo.

PAGKATAPOS NG KASAL, ANO ANG KASUNOD?

NGAYONG `ikinasal’ na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa “Kalyeserye” ng “Eat Bulaga,” ano naman kaya ang susunod na abangan kina Alden at Maine?
   
Animo’y tunay na wedding ang nangyari last Saturday kina Alden at Maine na ginanap sa Christ the King Parish sa may E.Rodriguez Avenue in Quezon City kaya sobrang natuwa ang AlDub Nation na patuloy pa ring umaasa na sana’y sa tunay na buhay ay silang dalawa pa rin ang magkatuluyan.
   
Kung noong isang taon (October 24) ay gumawa ng record  sina Alden at Maine sa kanyang “Tamang Panahon” show sa Philippine Arena, kakaibang pasabog din ang kanilang ipinakita sa mga televiewers ng “Eat Bulaga” nang sila’y `ikasal’ last Saturday, October 22.

JAKE, SHOWBIZ DIN ANG BAGSAK

MAY suspetsa kami na papasukin din eventually ni Jake Ejercito ang showbiz kapag natapos nito ang kanyang pag-aaral sa Singapore.
   
Since most of his guestings ay nangyayari sa “Eat Bulaga,” hindi rin kami magtataka kung ang Triple A ni G. Tony Tuviera rin ang mag-handle sa kanyang career o kung hindi man ang lady boss ng TAPE, Inc. na si Malu Fagar na isa ring talent manager.
   
Ang maganda kay Jake, priority talaga sa kanya ang kanyang pag-aaral more than showbiz bagay na ikinatutuwa ng kanyang mga magulang, ang dating pangulo ng bansa at ngayon ay mayor ng Maynila sa ikalawang pagkakataon na si Joseph `Erap’ Estrada at ang dating actress-turned businesswoman na si Laarni Enriquez.
   
Si Jake ang umaming  biological father ng five-year-old daughter ng actress na si Andi  Eigenmann na si Ellie pero hiwalay na sina Jake at Andi.

ANGEL, DI PA MAKA-MOVE ON

ANG bilis umanong nakapag-move on ng TV host-actor na si Luis Manzano sa hiwalayan nila ni Angel Locsin dahil agad siyang nakakuha ng kapalit sa pamamagitan ng Kapamilya star na si Jessy Mendiola.
   
Although hurting pa rin umano si Angel sa hindi nila inaasahang muling paghihiwalay for the second time ng panganay ng estranged couple na sina Rep. Vilma Santos at Edu Manzano,  naka-focus naman ngayon ang aktres sa kanyang showbiz career at tuluyang pagpapagaling sa kanyang back-ailment.
   
May balita na si Angel pa rin umano ang gaganap sa papel na Darna movie na gagawin ng Star Cinema next year na nakatakdang idirek ni Erik Matti.

MGA BITUIN, BUMABA SA LUPA

NAGMISTULANG nagsibabaan ang mga bituin sa langit sa ika-sampung gala night ng Star Magic Ball na ginanap sa grand ballroom ng Shangri-La Hotel (Makati) last Saturday (October 22) evening na pinangunahan mismo ng dating president/CEO ng ABS-CBN at bida ng pelikulang “Ang Babaeng Humayo” na si Charo Santos-Concio kasama ang co-star niya sa movie na si John Lloyd Cruz.
   
Bukod sa mga stars and talents, naging gabi rin ‘yun ng mga kilalang fashion designer ng bansa dahil sila ang gumawa ng iba’t ibang kasuotan ng mga Kapamilya talents.
   
Si Liza Soberano ang tinanghal na Best Dressed sa mga female stars na suot ang gown na gawa ni Michael Cinco na siya ring gumawa ng kasuotan ni Kathryn Bernardo.  Of course, escort ni Liza ang kanyang rumored sweetheart at ka-loveteam na si Enrique Gil.
   
Rumampa naman for the first time ang bagong mag-sweetheart sina Luis Manzano at Jessy Mendiola habang hindi naman nakita sa natural ball ang ex-GF ni Luis na si Angel Locsin.
   
Idinisplay na rin ni Sam Milby ang bago niyang kasintahan, ang Fil-British model na si Mari Jasmine.  Sina Elmo Magalona at Janella Salvador naman ang magka-date ng gabing `yon matapos ilang araw mapabalita ang break-up ni Elmo sa dating katipan na si Janine Gutierrez.
   
Given na ang pagsasama nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu at Xian Lim.  Sinorpresa naman nina Bea Alonzo at Gerald Anderson ang sabay nilang pagdating sa Star Magic Ball habang wala namang ka-date ang ex-boyfriend ni Bea na si Zanjoe Marudo.
   
Marami rin ang kinilig sa pagdating ng bagong loveteam ng Kapamilya Network, sina Elisse Joson at McCoy de Leon.

BIMBY,  NA-MEET NA ANG BAGONG KAPATID KAY JAMES

MAGANDA ang naging gesture ng Queen of All Media na si Kris Aquino na siya na mismo ang nag-reach out sa kanyang ex-husband na si James Yap na makita ni Bimby ang kanyang half-brother na si Michael James.
   
Sinamahan ni Kris ang kanyang bunso (Bimby) sa tahanan ng live-in sweethearts na James at Italian girlfriend nitong si Michela Cazzola.
   
Excited siyempre si Bimby na makita ang kanyang baby brother.
   
Natutuwa naman si James sa ginawa ng kanyang ex-wife .
   
Ngayong okey na naman si Kris sa kanyang ex-husband at maging sa kasintahan nitong si Michela at maging si Bimby sa kanyang dad, wala na sigurong pinakamasaya ang pakiramdam ngayon kundi si James na ang gusto ay maging magkaka-close ang kanyang tatlong anak na pawang lalaki.
   
May isa pang anak si James sa isang non-showbiz girl bago pa man sila ni Kris na hindi pa nakikita ni Bimby at ng publiko.

ABS-CBN, BUKAS PA RIN DAW KAY KRIS

HANGGANG ngayon ay wala pa ring malinaw na balita kung matutuloy pa ang bagong programa ni Kris sa Kapuso Network ngayong si Tony Tuviera na ang kanyang bagong business manager.
   
Nakapag-taping na umano si Kris ng isang episode pero hindi  ito nasundan.
   
Nakaabang pa rin hanggang ngayon ang mga tagasubaybay ni Kris kung tuluyan na nga siyang muling mapapanood sa Kapuso Network matapos hindi matuloy ang kanyang negosasyon sa dating home studio, ang ABS-CBN na naging tahanan niya sa loob ng 20 taon.
   
Pero ayon sa dating pangulo at CEO ang Kapamilya Network na si Charo Santos-Concio, nakabukas umano lagi ang pintuan para sa dating presidential daughter and sister na si Kris Aquino.