5,032 guests

Sarah G, pa-humble o pang small concert venue na lang?

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 856

"AKALA ko wala nang nakikinig sa akin."

Ito ang pahayag ni Sarah Geronimo nang tanggapin niya ang platinum award para

sa kanyang album na The Great Unknown sa ASAP last Sunday. Hindi mo alam kung pa-humble o papansin itong si Sarah sa kanyang pahayag. But that's typical of Sarah. Hindi kasi siya assuming gaya ng iba.
   
Her candidness is what makes her more endearing to her fans. Hindi pa rin talaga matatawaran ang kanyang kasikatan. Marami pa  rin ang tumatangkilik ng kanyang album. At laging inaabangan ang kanyang production number sa ASAP. Narating na ni Sarah ang point sa kanyang career na wala na siyang kailangang patunayan pa. Sa katunayan, mukhang hindi na rin isyu sa kanya  kung sa Kia Theater ang venue ng kanyang concert ngayong Nobyembre. Sigurado may  ilan na sa kanyang mga kritiko na nagtataas ng kilay kung bakit sa mas maliit na venue ito gagawin kung ikukumpara sa mga nakaraan niyang concert.
   
Gaya ng tanong ng isa kong kaibigan, hindi na ba kayang punuin ni Sarah ang Big Dome o  MOA Arena? Just asking...


ZANJOE, 'DI PA HANDANG MAG-SERYOSO

MUKHANG hindi pa talaga handa si Zanjoe Marudo sa isang seryosong relasyon.
   
Ito kasi ang naging pahiwatig ng aktor sa guesting niya sa Kapamilya morning show  na Magandang Buhay last Wednesday. Kasama niya sa nasabing episode si Angel Locsin, na co-star niya sa pelikulang The Third Party.
   
Bukod sa bahagi ito ng promo para sa nasabing pelikula, ibinandera ng dalawa na single sila but not lonely, na siyang tema ng episode. Sa ngayon, wala pang nali-link sa PBB discovery mula nang mag-break sila ni Bea Alonzo. The latter is rumored to be playing sweet music with Gerald Anderson anew.
   
Mukhang nakapag-move on na itong si Bea. Ganoon din kaya si Zanjoe? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..