9,691 guests

Binata patay sa suntok ng utol

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 325

Patay ang isang 36-anyos na binata makaraang makipagsuntukan sa kanyang nakababatang kapatid sa Barangay Bahay Toro, Quezon City, kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon City Police Station 3, ang biktima ay kinilalang si Christopher Sta. Billo Romana, ng 8 Sanggumay St., Bgy. Bahay Toro, QC.

Pinaghahanap naman ang kanyang kapatid na suspek na si Bertito Sta. Romana, 22, binata, konduktor ng school bus at residente din sa lugar.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ni PO1 Preynan Carolino ng PS-3, nangyari ang insidente dakong alas-3:15 kamakalawa ng hapon sa harapan ng kanilang bahay.

Bago ito, nagkaroon umano ng pagtatalo ang magkapatid na nauwi sa isang suntukan. Sa kaini-tan ng suntukan ay nawalan umano ng balanse ang biktima hanggang sa bumuwal ito at tumama ang kanyang ulo sa gutter na agad niyang ikinamatay.