5,150 guests

Umeksena!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 643
Kris Aquino, Bimby & Michela Kris Aquino, Bimby & Michela

UMEKSENA na si Kris Aquino. But this time, hindi para umagaw ng pansin, huh!

Ipinamalas ni Kris ang magandang gesture nang bisitahin niya sina James Yap at partner na si Michela Cazzola. Siya na ang nag-reach out kay James, father ni Bimby, upang ma-meet ng bagets ang kapatid sa ama.

Sa Instagram account ni Kris inilabas ang pasasalamat kina James ay Mic habang hinahaplos ni Bimby ang bagong panganak na kapatid.

“There’s no perfect formula for mothering except to do it with LOVE. I am grateful that today we gave our sons the opportunity to meet & hopefully, have genuine bonding as brothers… Because in the end, the good men we are able to raise will be products of our guidance & unconditional love as mothers,” caption ni Kris habang magkakasama sila nina Mic at Bimby sa isang picture.

Hayan, may positibo namang ginagawa si Kris para sa anak, huh! Alam naman niyang magpakumbaba alang-alang sa pagmamahal sa anak.

* * *

ISINASAMA ni Christian Bautista ang non-showbiz girlfriend sa kanyang trabaho kapag bakante ang girl, si Kat Ramnani. Namataan naming bumisita sa singer-actor ang girlfriend sa taping ng una sa Superstar Duets. Sa isang event sa isang hotel sa Makati, present din si Kat.
   
Eh, sa nakaraang birthday ni Christian, naglabas ng mensahe si Kat sa Instagram account niya na agad namang nag-trending.
   
“Will let Dr. Seus start the greeting for me, as he articulates best what a birthday is about: Today you are you! That is truer than true! There is no one alive who is you-er than you!’ Happy, happy birthday to the immensely talented, kindest, most patient, humble, aspiring MacGyver I know. I love you, a whole latte.”

* * *

MASAYA na ang family life ni Diana Zubiri. Kaya naman marami rin ang nagulat nang desisyunan niyang magbalik sa pag-arte at sa Encantadia pa ito naganap na isa sa biggest breaks niya sa TV noong taong 2005.
   
Naging palaisipan kung sino ang character behind LilaSari sa telefantasya. Si Diana nga ang nilantad last week. ’Yun nga lang, tapos na ang chapter sa career niya sa paglabas niya noon bilang Danaya na ginagampanan naman ni Sanya Lopez.
   
Pambubuking ni Diana, “Noong time na sinabi kung sino na ang mga Sang’gre, sinabi na rin ni Direk Mark sa akin. Sobrang excited din ako kasi siyempre, gusto ko ring maging part ako roon. Siyempre, ayaw kong mawala roon. Malaking part din kasi ’yon ng buhay ko before,” sambit ni Diana.
   
Just recently, nagka-roon din ng reuninon ang old and new Sang’gres. Pre-sent ang lumang Sang’gres na sina Iza Calzado, Karylle at Diana. Sa baguhan na-man, dumalo sina Glaiza de Castro, Sanya at Kylie Padilla.
   
Na-miss nina Sunshine Dizon at Gabbi Garcia ang oportunidad na ’yon, huh!