4,469 guests

Jean, kahit certified lola na, sabak pa rin sa bed scenes

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 610

KAHIT certified lola na si Jean Garcia (courtesy of her daughter Jennica Garcia with husband Alwyn Uytingco), madalas pa rin siyang nakatatanggap ng offers sa pelikula kung saan kailangan siyang magpa-seksi o kaya naman ay magpakita ng dibdib.

Lagi naman siyang nagbe-beg off at ikinakatwiran ang kanyang edad at estado bilang lola.

Pero, sa pelikulang “The Escort,” laking gulat ni Jennica nang makumbinsi ang kanyang mom na mag-topless at makipag-paligsahan kay Lovi Poe sa bed scenes. May kinalaman kaya ang leading man nilang si Derek Ramsay sa pagpayag niyang ito?
   
Hindi naman kasi lihim sa showbiz ang lakas ng sex appeal ni Derek, hindi lamang sa mga ka-edad ni Jean at mga kapanabayan niya.
   
Kung tutuusin, isa si Jean sa mga aktres na alagang-alaga sa kanyang sarili, lalo na ang kanyang mukha, kutis at katawan. At marami pa rin ang nanliligaw sa kanya.
   
Pinili ni Jean na huwag ng dumalo sa presscon ng “The Escort” dahil mas gusto niyang matuklasan ng mga manonood kung bakit niya tinanggap ang alok ng Regal Entertainment.
   
Kahit ang co-producer na anak ni Mother Lily Monteverde na si Roselle ay humanga rin kay Jean dahil nagpakita ito ng professionalism sa pag-arte.
   
Curious tuloy ang inyong lingkod kung magkakaroon din si Jean ng love scenes with Richard Yap na gumaganap bilang asawa niya sa Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment na “Mano Po 7: Chinito.”

KAYE AT PAUL JAKE, NAGMAMADALI NANG PAKASAL

MINAMADALI na ni Kaye Abad at dating PBB housemate Paul Jake Castillo ang kanilang kasal na dati’y next year pa sana gaganapin, pero sa December na ngayon.
   
Hindi dahil buntis na ang bride, kundi sisimulan na nila agad ang pagpapamilya.
   
“Thirty four years old na kasi ako at baka raw mahuli ako sa panahon para mabuntis pa,” natatawa pero seryosong wika ni Kaye. “Gusto pa naman namin ni Paul Jake na tatlo ang magiging anak namin.”
   
Magaganap sa Cebu, hometown ni Paul Jake, ang engrandeng kasal at hindi sa malaking bahay nina Kaye sa Cavite.
   
“Nangangarag tuloy ako,” patuloy ni Kaye. Imagine, magpupuntahan sa Cebu ang mga ninong at ninang namin, pati mga kaibigan at malaking pamilya namin. Asikasuhin ko pa ang mga susundo sa kanila sa airport,” hinihingal na katwiran niya.
   
Gusto raw kasi ni Paul na maging hands-on si Kaye sa kasal. “Gusto niya kasi na ang lahat ng gusto ko ang masusunod. Mahirap din ang mag-isip. Natataranta tuloy ang younger sister at brother kong sina Sarah at Edwin. Imagine, ako ang panganay pero, ako itong huling mag-aasawa sa aming tatlong magkakapatid.
   
“I was taking my time kasi sa pagsagot kay Paul. Hindi madaling desisyunan. Sa start kasi ay wala akong kagusto-gusto sa kanya. Wala sa mga katangiang hinahanap ko ang nakikita ko sa kanya. I thought, he was just a perfect best friend. Buti na lang at pinakinggan ko ang advice ng mutual friends namin. I discovered na perfect match pala kami. Magkasundong-magkasundo pala kami.”
    
Sa U.S. magha-honeymoon sina Kaye at Paul Jake. Kahit may sariling bahay sa U.S. ang pamilya nina Kaye, hindi sila tutuloy roon. “Magliliwaliw talaga kami kung saan-saan. Mas masaya ang pagta-travel namin for the first time na kaming dalawa lang,” wika ng blushing bride.
 
Kung nakakariwasa sa buhay ang pamilya ni Paul Jake sa Cebu, ganoon din ang pamilya ni Kaye dito sa Cavite at sa U.S. Dating director ng isang department sa Philippine Airlines ang Daddy niyang si Noel Abad at retired flight stewardess naman ang kanyang Mom Cecille.


JULIA, SUSUBUKANG MULING ILUNSAD

HULI man daw at magaling, makahahabol din.
   
Ilang beses nang inilunsad sa ganap na pagka-bituin si Julia Barretto, pero, laging nauudlot ang kanyang pagsikat. Naalala pa ba ninyo ang hindi natuloy na pelikula niyang “Cofradia?” At sumunod pa ang  teleseryeng “Miranela.” Hindi naging swak sa televiewers ang tambalan nila ni Enrique Gil.
   
Excited naman ang mga baguhang itatambal kay Julia this time na sina Joshua Garcia at Ronnie Alonte.
   
Dati’y si Loisa Andalio ang ka-love team ni Joshua nang nasa PBB Teens pa sila ni Big Brother. Ngayon, may bago na rin siyang ka-loveteam. Si Yves Flores. Pareho ring galing sa PBB sina Yves at Loisa bagama’t hindi sila magka-batch. Napapanood na sila ngayon sa “Be My Lady” na pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.
   
Si Ronnie naman ay sinubukang maka-love team si Sue Ramirez, pero, sa look-test, mas may nakitang chemistry kina Ronnie kay Julia.
   
The serye or movie will be a love triangle between Joshua-Julia and Ronnie.
   
How we wish na magtagumpay na si Julia this time.