5,009 guests

Bukol ni Dennis, pinagpiyestahan!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 648

Hindi mabibigo ang mga beki na makitang naka-trunks si Dennis sa isang eksena sa pelikulang Bakit Lahat Ng  Gwapo May Boyfriend?! ng Viva Films at IdeaFirst Company. Slow motion pa ang kuha habang umaahon si Dennis sa swimming pool kaya kitang-kita ang kanyang bukol.

In fairness, hindi babad ang eksena at halatang inalagaan naman ni Direk Jun Lana ang shots ng aktor. Sa part kasi na naglalakad na si Dennis, medyo natatakpan na ng nakasabit na tuwalya sa balikat niya ang kanyang harapan. At least, nagpasilip ang actor, huh!
   
Kung daks ba ang bukol ni Dennis, hindi namin ma-explain kasi black ang suot niyang trunks. Kung white sana ’yon, mas malalaman namin, hahaha!
   
Anyway, maraming eksena sina Dennis at Anne Curtis na lutang na lutang ang kanilang chemistry. They really look good together at bagong kombinasyon kumbaga kaya fresh ang dating. Wish lang namin na magtambal ulit ang dalawa sa mas seryosong pelikula.
   
Regarding Paolo Ballesteros’ acting sa Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?!  he is very natural bilang gay na kababata ng ka-rakter ni Dennis sa pelikula. Effortless ang pagiging pa-mhin ni Paolo at ang mga eksenang baklang-bakla siya.
      
Kuwela din ang eksenang humahalinghing si Anne habang hinahalikan ni Dennis. Tawanan ang mga taong nanonood sa sinehan sa naturang eksena.

* * *

BALIK-SOAP opera ang beauty ni Ara Mina sa bagong GMA series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa na dating pelikula na pinagbidahan noon nina Lorna Tolentino at Maricel Soriano.
     
Hindi pa namin alam kung ano ang role ni Ara sa teleserye. Ang nasabi lang niya, excited siyang bumalik sa pagti-taping na medyo na-miss din niya simula nu’ng magkaroon siya ng anak.
     
Bida sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa sina LJ Reyes at Julie Anne San Jose. Si Gina Alajar naman ang direktor nito at kasama rin sa cast sina Benjamin Alves at Jean Garcia.
     
Until now ay wala pang nababanggit sa amin si Ara kung meron nang bagong nagpapatikbok ng kanyang puso. Ang sabi lang niya, tumigil na siya sa paghu-hope na magkakabalikan pa sila ni Mayor Patrick Meneses.
      
Well, tama lang naman ’yon. Ha-ha-ha!