9,700 guests

Top 7!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 510

‘Ma’Rosa,’ nangangamoy nominasyon sa Oscars

Bukol ni Dennis, umani ng hiyawan!

... Paolo, natural na bading

Nagbigay ng update ang Cannes best actress na si Jaclyn Jose sa posibleng nomination ng pelikulang Ma’Rosa sa 89th Academy Awards (Oscars) sa kategoryang best foreign language film.

Ang Ma’Rosa ang official entry ng Pilipinas sa Oscar best foreign language film category at ayon kay Jaclyn, sa pinakahuling deliberasyon ng komite ng prestihiyosong award-giving body sa Amerika, pasok na ang Ma’Rosa sa top 7.
   
Sa ngayon, patuloy pa rin daw ang deliberation at kailangan ay pumasok tayo sa top 5 para masabing opisyal nang nominee ang movie sa naturang category.
   
“Aabot pa ’yan (deliberation) hanggang December, pero babalik pa ulit, eh. Iba-iba kasi ang komite sa deliberation. Hopefully, itong komite na ’to, na nakatutok sa foreign language, dumiri-diretso, but so far, wala pa tayong nilalabas na pera (para sa lobbying or pangangampanya) niyan,” pahayag ni Jaclyn sa phone interview namin sa kanya kahapon.
   
“Talagang I’m hoping and praying na pumasok tayo sa top 5 ng Oscars, kasi ’pag pumasok ka sa top 5 diyan, eh, pasok na, bibiyahe na tayo,” she said.
   
Samantala, masayang-masaya rin ang award-winning actress sa recognition na ibinigay sa kanya ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) last Tuesday night.
   
Binigyan si Jaclyn at ang lahat ng mga artista nating nanalo ng international trophy ng Artistic Excellence Award.
   
Say ng aktres, isang malaking honor ito at natutuwa siyang may ganitong rekognisyon nang ibinibigay ang FDCP.
   
Bukod sa parangal, ikinatuwa rin ni Jaclyn na suportado ng FDCP ang Ma’Rosa sa Oscars.
   
Samantala, natanong din namin si Jaclyn kung ano ang masasabi niya na mahigpit na nakalaban ng Ma’Rosa ang Ang Babaeng Humayo ni Charo Santos-Concio sa pagigiging official entry ng ’Pinas sa Oscars.
   
“Pwede pa sila next year, kasi nag-showing sila after ng cut-off ng submission. Saka ’yung atin (Ma’Rosa) ang maingay kasi may mga French tayong nakausap, may foreign personalities na gumagawa ng documentaries regarding the film,” pahayag niya.
   
Ibinalita rin ni Jaclyn na sa Nov. 30, ipapalabas naman sa France ang pelikula, pero hindi niya ito mapupuntahan dahil sa tindi ng schedule niya ngayon dito.
   
Bukod kasi sa Alyas Robin Hood with Dingdong Dantes, meron pa siyang A1 Ko Sa ’Yo sitcom, both on GMA-7.
   
Ayon sa manager ni Jaclyn na si Perry Lansigan, katakut-takot ang imbitasyon ngayon ng kanyang alaga internationally.
   
Kamakailan ay inimbitahan umano ito sa Geneva International Film Festival sa Geneva, Switzerland, pero tinanggihan nila dahil hindi pwedeng mabitin ang local shows ng aktres.
   
“May imbitasyon din siya sa International Film Festival of India, pati na sa Taiwan, but we really had to beg off,” say ni Perry.

* * *

Na-enjoy namin ang pelikulang Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?!, na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Paolo Ballesteros at Dennis Trillo.
   
Feel-good at magaan ang movie na nagkaroon ng red-carpet premiere night last Tuesday sa Megamall.
   
Totoo ang tsismis na may eksena sa movie si Dennis na nakasuot ng skimpy swimming trunks.
   
Nang ma-sight ang bukol ng aktor sa screen ay talaga namang naghiyawan ang fans.
   
First time raw gawin iyon ng aktor, ayon sa kanyang manager na si Popoy Caritativo.
   
Si Anne naman, super ganda in all her scenes at kapansin-pansin ang improvement sa acting.
   
Nagustuhan din namin dito si Paolo, na natural na natural ang acting bilang gay.     Obviously, at home na at home na ang aktor/TV host sa gay role na hindi na niya kailangan pang um-effort sa pag-arte.
   
Isa pang dapat purihin ay ang acting ni Yam Concepcion bilang bratty girlfriend ni Dennis.
   
Present ang nasabing lead stars ng movie sa premiere night, pati na ang direktor na si Jun Lana.
   
Nagsimula nang ipalabas kahapon sa mga sinehan ang Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?!, hatid ng Viva Films at IdeaFirst Company.