5,529 guests

Inah, problemado sa anak!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 482

LACTATION goodies ang nilalantakan ngayon ni Iya Villania upang dumami ang kanyang gatas sa dibdib para sa anak nila ni Drew Arellano na si Primo.

Binalandra ni Iya sa social media ang mga kinakain niyang goodies upang dumami ang breast milk niya. 

“Having to increase milk supply gives you the perfect excuse to enjoy these goodies,” bahagi ng caption ni Mrs. Arellano sa Instagram account niya kahapon.
   
Mahigit isang buwan na ang panganay nina Iya at Drew.
   
Dahil kaya na, sumabak na si Iya bilang segment host ng Chika Minute ng 24 Oras.

* * *

ALAM ni Inah Raymundo ang hirap sa pagkakaroon ng anak na mixed ang nationality. Rason ng aktres sa presscon ng series na TROPS, “Napi-pick up nila ’yung hindi maganda, hahaha!”
   
Fifteen years old ang daughter niya, pero naniniwala siyang walang Facebook account ang anak.
   
“Hindi ko alam kung ano ang account niya dahil sobra siyang secretive. But I trust her. Ayaw niya lang ng pinakikialaman.
   
“But ’yung boy ko, alam ko ang password ng phone niya, I can open it anytime and ’yun ang natutunan ko sa tatlo kong magiging… paglaki nila, magiging mahigpit ako, pero doon sa panganay ko, for some reason, hindi ko nagawa. Kailangang ikorek ko ’yung pagkakamali ko na ’yon,” pahayag ni Inah.
   
“Biglang naiyak, ’no? Hahaha!” dagdag niya.
   
Sabi pa ni Inah, iba ang personalidad ng babaing anak.
   
“Very strong pero doon sa apat ko, hawak ko sila, hahaha! Sa panganay ko, hindi. Actually, kaya niya akong bugbugin kung gusto niya, hahaha!
   
“No, kasi ’yung daughter ko, very strong ang personality niya. Mas matangkad na siya sa akin. Mas malaking bulas and she’s stronger than me. Nag-bunong-braso kami, talo ako!
   
“Physically strong talaga, literally. Napakalakas niya. Mana sa daddy niya pati personality niya,” paliwanag ni Inah na medyo naiiyak na.
   
Mabait naman daw ang dalagita niya, pero pagdating ’yon sa ibang tao.  Pinagbasehan niya ang mga sinasabi ng kapitbahay sa kabaitan sa kanila ng anak.
   
“Pero deep inside, ‘Bakit iba siya sa akin?’ Pero mas gusto ko na mabait siya sa ibang tao. Sa akin lang siya ganoon. She can do it sa akin. Ayokong disrespectful siya sa ibang tao.
   
“And I know, eventually, magiging smooth sailing ang aming relasyon,” paliwanag ni Inah.
   
Sa TROPS kasi, makakasalamuha niya ang millennial stars na Baes, na kinabibilangan nina Kenneth, Miggy, Kim, Joel, Tommy at Jon kasama si Taki.   Teacher ang role niya sa series, pero komo hindi pa siya nakapag-taping, hindi niya alam kung mataray o mabait siyang guro na magugustuhan ni Kim.
   
Sa Oktubre 24 na ang simula ng TROPS bago ang Eat Bulaga.
   
Ayon sa program manager ng morning series na si Camille, tanging TROPS lang ang show na nakatakda sa naturang time slot.