4,956 guests

Official statement ng Miss Universe, ihahayag sa Lunes

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 487
Vina Morales Vina Morales

ISA umanong major announcement (worldwide) ang nakatakdang ihayag ng Miss Universe organization sa darating na Lunes (October 17) na may kinalaman sa nalalapit na pagsasagawa ng 2016 Miss Universe na gaganapin umano sa SM MOA Arena on January 30, 2017.  Ito ang magiging official statement ng mga namumuno sa pinakamalaking beauty competition sa buong mundo kung tuloy o hindi ang pagsasagawa sa Pilipinas ng  Miss Universe.

Bukod sa Miss Universe organization, magbibigay din ng official statement ang Department of Tourism sa pamamagitan ni DOT Sec. Wanda Teo na siyang magiging katuwang ng Miss Universe organization sa pagma-mount sa Pilipinas ng 2016 Miss Universe.

Ayon naman sa aming very reliable source, wala umanong urungan ang pagsasagawa rito ng Miss Universe dahil nakalatag na ang logistics para rito.  Official announcement lang daw talaga ang hinihintay na magmumula mismo sa pamunuan ng Miss Universe at Department of Tourism.

MAGPINSANG VIC AT ORLY, MAGKASAMA SA LAMAYAN

NATUWA kaming makita ang magpinsang Vic del Rosario at Orly Ilacad sa final wake ng nakatatandang kapatid ni Boss Vic na si Teddy del Rosario sa Christ The King in Greenmeadows, Quezon City kasama ang iba pa nilang mga kapatid.

Si Teddy (73) ay binawian ng buhay last Friday sanhi ng kanyang lingering illness na may kinalaman sa prostate cancer.  Magmula nang ma-diagnose ang kanyang sakit ay in and out na si Teddy ng hospital.
   
Magkapatid ang late dad ni Boss Vic at late mom ni Boss Orly.
   
Sa wake pa rin ni Teddy del Rosario, nagulat kami nang bigla naming marinig ang napakagandang boses ng pop princess na si Sarah Geronimo nang awitin nito ang Joey Albert hit na “Ikaw Lang ang Mamahalin” after the mass.
   
Hindi gaanong nagtagal sa wake si Sarah na napakaganda nang gabing `yon.

HILIG NA MANOK NI PAULEEN, INI-ENDORSO NI VIC

ISA ang veteran singer-composer-turned TV host-comedian-producer na si Vic Sotto sa mga in-demand na celebrity endorser dahil na rin sa charisma nito sa publiko  at pagiging credible product endorser.
   
Last Wednesday afternoon ay isang grand launch ang aming dinaluhan sa Isla Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel dahil dito ipinakilala ang kanilang kauna-unahang celebrity endorser ng Chooks-to-Go na si Vic Sotto.
   
Hindi nagdalawang-isip si Bossing (Vic) na tanggapin ang alok ng Bounty Agro Ventures, Inc. (BAVI) na siyang nago-operate ng Chooks-to-Go hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa na pinamumunuan ng presidente ng kumpanya na si Ronald Ricaforte Mascarinas.
   
Ayon na rin mismo kay Bossing, hindi umano siya tumatanggap ng endorsement ng isang produkto kung hindi niya ito pinaniniwalaan.
   
Ang misis ni Bossing na si Pauleen Luna ang nag-introduce sa kanya sa Chooks-to-Go na nagkataong paborito ng singer-actress-TV host.  Nang ito’y matikman ni Bossing, naging paborito rin niya ito.  Kaya nang dumating ang offer na siya ang magiging brand endorser ng Chooks-to-Go ay agad niya itong tinanggap.
   
Sa grand launch din ipinakita ang unang TVC ni Bossing ng nasabing produkto na napakasarap, affordable, healthy at available sa maraming chain nito nationwide.
   
Samantala, marami pa rin ang nag-aabang kung kelan magkakaroon ng baby ang mag-asawang Vic at Pauleen.  Ang dalawa ay ikinasal noong January 30, 2016 at malapit na rin silang mag-celebrate ng kanilang first anniversary.

VINA, EX AT CURRENT BF, INAASAHANG MAKIKITA SA CONCERT

NAMATAAN namin si Vina Morales sa wake ng mister ng ABS-CBN lady executive na si Linggit Tan na si Rommel Marasigan sa Arlington in Quezon City last Wednesday evening.  Galing pa ito sa rehearsals ng kanyang concert na gaganapin sa Kia Theater ngayong gabi (October 14) at 8 p.m., ang “Vina@Thirty” na magsisilbing 30th anniversary at pre-birthday concert niya.  Ito’y produced ng Concert Queen na si Pops Fernandez under her DSL Entertainment Productions.  na nag-produce ng successful back-to-back concert nina Ai-Ai de las Alas at Lani Misalucha sa Kia Theater recently.
   
Magiging special guests ni Vina sa kanyang pre-birthday at anniversary concert ang ex-boyfriend and good friend now na si Robin Padilla at pamangkin nitong matinee idol na si Daniel Padilla, gayundin ang nakababatang kapatid ni Vina, ang singer-actress-dancer na si Shaina Magdayao. 
   
Since we’re watching the concert tonight, expected naming makita roon ang kanyang French businessman boyfriend na si Marc Lambert na ipinakilala sa kanya ng dating gobernador ng  Ilocos Sur na si Chavit  Singson.
   
Ang magkaibigang Pops Fernandez at Vina Morales ay kapwa malapit sa businessman-politician maging sa bago nitong misis na si Jazz.