5,037 guests

Lalaki binoga, sugatan

  • Written by Jenesis Ann Canua
  • Published in Metro
  • Read: 152

Isang 34-anyos na lalaki ang sugatan ma-karaang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay PO2 Jomar Pallado, ang biktima ay kinilalang si Alvin Montalban, alyas Manoy, ng North Paradise Club, Commonwealth Avenue, sa nasabing barangay.
   
Siya ay ginamot sa East Avenue Medical Center dahil sa tama ng bala sa likod.
   
Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa may eskinite ng Saint Vincent St., Commonwealth Avenue, dakong ala-1:30 ng hapon.
   
Kuwento ng isang testigong si Cristina de Castro, nasa loob siya ng kanilang canteen at nagluluto nang marinig ang putok ng baril mula sa labas.
   
Agad siyang lumabas at nakita niya ang biktima sa gilid ng kanilang canteen na duguan ang likod at sumakay sa isang taxi patungo sa ospital para magpagamot.
   
Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasa-bing insidente. May ulat ni