5,209 guests

Suki

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 537

Piolo, taunan magpa-drug test

... komentong ‘psychopath’ ni Agot, ikinalungkot ng aktor

‘Sana ’di tayo magamit to shame other people’

Ayon kay Piolo Pascual, every year ay nagpapa-drug test siya kasabay ng general check-up.

“Just to make sure, ’di ba, whatever happens, at least you know,” sabi ni Piolo nang makausap namin last Tuesday sa  presscon for the 8th Sunpiology Run ng Sun Life Financial.
   
Ito rin daw ang maipapayo niya sa mga kapwa artista -- boluntaryong magpa-drug test.
   
“Oo, para hindi ka na ma-random or sabi nga nila, ’pag hindi nagpa-voluntarily test, they’ll issue a warrant or whatever. Sabi ko, yeah, I mean you know, if you’re not guilty, then show it,” saad ni Papa P (tawag kay Piolo sa showbiz).
   
Aware rin ang aktor na as of the moment, mainit na pinag-uusapan ang “psychopath” comment ni Agot Isidro laban kay Pres. Rodrigo Duterte.
   
Nang matanong siya tungkol dito, aminado ang aktor na nalulungkot siya.
   
“I feel bad for Agot, I feel bad for whatever’s happening but we believe in what we believe in and I’m not in a position to (make a) comment on that. You know, that’s their disposition and that’s their stand, so respetuhan lang.”
   
Inamin ni Piolo na pro-Duterte siya ever since.
   
“I’ve always been for Duterte ever since but siyempre, parang in this business, whatever you say is magnified, so I keep my cool and I just pray for him. You know, I’m not gonna hide that I pray for our President because we need the President, you know, regardless. So, ’yun lang.”
   
Asked kung dapat bang pangalanan ang mga artistang supposedly ay nakalagay sa drug watchlist, aniya, “Sana huwag naman. I mean, kung pwede naman nating sabihan privately para hindi na ma-embarrass, para at least, you know, they will learn.”
   
Patuloy pa ng aktor, “Ako, I really felt bad for Mark Anthony (Fernandez) and it broke my heart. Pero ’yun ang hirap, eh. Sana, hindi tayo magamit para, you know, to shame other people. Because, mahirap ’yun, mahirap ’yung ma-embarrass ka, ’di ba?”
   
At siyempre, hindi pwedeng hindi matanong si Piolo sa update sa kanyang lovelife dahil sa totoo lang, sa estado niya ngayon, asawa na lang ang kulang.
   
Lahat yata ng tao ay inaabangan kung kailan siya magkakaroon ng girlfriend at magse-settle down.
   
Ang sagot ng Ultimate Heartthrob, it’s still a big “zero” up to now.
   
Naiinip na rin daw siya.
   
“Mahirap matulog sa gabi, ha?” natatawa pa niyang sabi.
   
Seriously, he said, “Well, “I’ve come to a point na I don’t look for it anymore, as much as I don’t have time for it. I just enjoy life and I still have so many things I wanna do, so if it comes, it comes and it comes soon when it comes.”
   
Aniya, he hopes na ang future girlfriend niya ay someone who’s also into fitness tulad niya.
   
“Ideally, yeah. I remember before, kapag meron akong nagiging girlfriend, it’s either I buy her a bike or I invite her to run because it’s my regular activity, so, we do things together.
   
“So, it’d be a plus factor if we’re able to train together, so, we have more time together,” wika ni Papa P.
   
Samantala, ang theme for this year’s Sunpiology Run ay Sugar Wars. Gaganapin ito sa Nov. 19 sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
     
Aside from Piolo, kasama ring tatakbo ang iba pang Star Magic talents tulad nina Gerald Anderson, Xian Lim, Jessy Mendiola, Ejay Falcon, Hashtags at marami pang iba.
     
“Usually, every year, mas dumadagdag ’yung tumatakbo sa Star Magic because we partnered with Star Magic already for the run and our beneficiaries are the scholars of Star Magic as well,” say ni Piolo.
     
Bukod sa announcement ng Sunpiology Run, ni-launch din si Piolo as one of the ambassadors ng new health protection product ng kumpanya, ang Go Well.