6,886 guests

Mark, inilipat ng selda

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 565

Inilipat na pala si Mark Anthony Fernandez sa selda kung saan may mga kasama siya. Wala na siya sa selda na solo para maiwasan ang sinasabing pinapa­boran siya dahil mag-isa lang sa selda at may sariling toilet.

Ang paliwanag ng chief ng Precinct 6 ng An­geles City, kung saan na­kakulong si Mark, dahil ma­dalas itong umihi, sa solong selda siya inilagay.

Sabi pala sa report, di­nalhan ng electric fan at kutson ng relatives niya si Mark, kaya may nakitang electric fan sa harap ng sel­da niya at hindi na karton, kundi kutson ang hini­higaan.

Dahil wala pang mga kamag-anak na nakitang dumalaw kay Mark that time, inisip na ang live-in partner na dumalaw sa kanya ang may dala ng electric fan at kutson.

Pero ayon sa balita, Miyerkules ng gabi dumalaw ang ina ni Mark na si Alma Moreno.
   
Na-delay ng dalawang araw ang pagkikita ng mag-ina dahil tumaas daw ang presyon ng aktres nang mabalitaang dinampot ng otoridad ang anak sa yumaong action star na si Rudy Fernandez.
   
Sinubukan ng mga press na naroon na interbyuhin si Alma, pero magalang umano itong tumanggi na mag­salita.
   
Ang stepmom naman ni Mark na si Lorna Tolentino, nag-worry umano dahil walang present na lawyer nang imbestigahan at iharap sa isang presscon si Mark.
   
Dahil dito, kumonsulta na raw si LT ng abogado.

* * *

Naalala naming nabanggit sa storycon ng Enteng Kabisote and the Abangers na 30 ang kasama sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Vic Sotto.
   
Kasama na kaya sa bilang sina Alden Richards at Maine Mendoza o hindi pa? Kung ’di sila kasama sa 30, ibig sabihin, 32 na lahat ang cast.
   
Kaya pala sabi ni Jerald Napoles, masaya sila sa shooting at parang hindi sila nagtatrabaho. 
   
Anyway, hindi pa sinabi kung ano ang role nina Alden at Maine sa Enteng Kabisote and the Aba­ngers.
   
Kahapon, pumunta sila sa Bohol kasama si Vic para mag-shooting at sa Sunday, October 9, na ang balik.
   
Pagbalik ni Alden, konting pahinga lang at pupunta na siya sa Market! Market! para sa launching ng second album niya under GMA Records na Say It Again.         Parang isang puntahan na lang, isasabay na rin ang meet & greet ng aktor para sa Boardwalk.
   
May mga namba-bash na pala kay Alden at sa ka­kayahan niya na maging isa sa hosts ng 21st Asian Television Awards na gaganapin sa December 2 sa Suntec Singapore Convention & Exhibition Center.
   
Ito’y dahil hindi raw fluent sa English ang aktor at baka ipahiya lang daw ang Pilipinas.
   
As if naman, mag-i-speech si Alden sa Asian TV Awards at kailangan niyang maging fluent sa English.         May susunding script ang mga host at hindi basta na lang magsasalita. Saka, carry naman ni Alden mag-English, kaya ’wag nega.
   
Dahil sa walang tigil na pamba-bash kay Alden, su­nud-sunod tuloy ang kanyang blessings.
   
Grabe ang sche­­dule niya this month hang­gang December.

* * *

Tuwing natatanong si Lo­vi Poe tungkol sa ex-boyfriend na si Rocco Na­cino at sa pagkakaroon ng bagong girlfriend, consistent siya sa pagsasa­bing okay sa kanya, maiintin­dihan niya at normal lang ’yun.
   
Hindi raw siya masasaktan at ang wish nga niya, maging masaya si Rocco.
   
Nakarating na rin sa kanyang nali-link si Rocco kay Sanya Lo­pez, kasama ng aktor sa En­can­­tadia, at okey sa kanya kung magiging couple ang dalawa.
   
Na-meet na ni Lovi si Sanya at mabait daw ang dala­ga.
   
Nagsimulang ma-link sina Rocco at Sanya nang mag-fan service sila sa Twitter via the Twitter serye na kunwari, nagkakaselosan at nagpapakita ng care sa isa’t isa.
   
Kinilig ang viewers ng Encantadia at nagsimula na nga silang i-link.
   
Nagri-request na rin ang viewers kay Direk Mark Reyes ng mga eksena ng dalawa.
   
Tingnan na lang natin kung magka-debelopan sina Rocco at Sanya at kung si Sanya na nga ang ipapalit ni Rocco kay Lovi.
   
Samantala, nasa UAE si Rocco at ang mga kasama sa fantaserye na sina Solenn Heussaff at Glaiza de Castro para sa show today and tomorrow sa Khalidiyah Mall sa imbitasyon ng GMA Pinoy TV.