5,744 guests

Sharon: ’Di namin kailangan magnakaw!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 550
Sharon Cuneta Sharon Cuneta

Inamin ni Sharon Cuneta sa kanyang mahabang Facebook post last Tuesday night na malungkot siya. Ba­ga­ma’t hindi niya sinabi kung bakit, tila may kinalaman ang pulitika at pagkakaibigan sa kanyang kalungkutan.

“Right now I am so sad... I don’t understand why I have ended up here, not only where I love being, which is showbiz, but in politics where I grew up having a mayor as a father and swearing to myself I would never marry a politician (I saw Daddy being used, abused, misunderstood, hurt, taken advantage of too many times. And sometimes I never saw him at all).

“Well, as they say, ‘Man plans and God laughs.’ Isn’t that so true? Artista at mang-aawit at TV show host lang po ako. Napakarami naming hindi pinagka­sunduan ni Kiko sa paniniwala sa pulitika mula pa nu’ng umpisa.

“Kahit kami ng Daddy ko noon, ganu’n din. Pero da­hil may respeto kami sa isa’t isa, hindi na namin kailangan pang isapubliko ang mga diskusyon naming mag-asawa noon o ngayon,” simula ng post ni Shawie.

She recalled na dahil magkaiba sila ng paniniwala ng mister, noong tumakbong presidente ang yumaong Fernando Poe Jr., kahit buong-buo ang paniniwala niya kay FPJ, hindi siya nagsalita o nangampanya dahil ayaw niyang iwan ang asawa na kay dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang tiwala.

Ganundin nitong nakaraang 2016 eleksyon, wala raw siyang ikinampanyang pangulo dahil pawang mga kaibigan niya ang naglaban-laban tulad nina Sen. Grace Poe (and mom Susan Roces), mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez at pati ang anak ni Pres. Rodrigo Duterte na si Inday Sara, friend niya.
   
Pati ang naglabang mga bise presidente na si Leni Robredo at Bongbong Marcos, pareho raw niyang kai­bi­gan.
   
“Pasensiya na po pero pangit talaga ’yung kaibigang nang-iiwan nang walang sapat o acceptable na dahilan. “I have been hurt and betrayed so many times that I find it very difficult to trust anyone nowadays.
   
“Also, napagod na ako na nawawalan o nababa­wa­san o pinagdududahan ng kaibigan,” bahagi pa ng post ng megastar.
   
Ipinagtanggol din ni Sharon ang asawang si Sen. Fran­cis Pangilinan. Aniya, ipinagmamalaki niya ang prin­sipyo nito.
   
“’Di ko naman kasalanan na senador at may sariling paninindigan ang asawa ko, at sa maniwala kayo at hindi, sang-ayon man kayo sa kanya o hindi, MATINO SIYANG TAO. MABUTI SIYANG TAO. MA­KA-DIYOS, MAKA-PAMILYA. PINAG­MA­­MALAKI KO ANG PRINSIPYO NIYA. Tama o mali, asawa ko siya. At ’di po ba, mas mali naman ’yung awayin ko siya sa publiko?” sey pa ni Shawie sa FB.
   
She also appealed na sana ay magkaisa na lang ang lahat ng pulitiko at public servants sa bansa.
   
“SANA MAGKAISA AT MAGKAA­YUS-AYOS NA ANG LAHAT NG NAGSISILBI SA BANSA NATIN. WALA NAMANG IBANG PARAAN. ’DI LANG MGA POLITIKO ANG NAG-AAWAY, KUNDI TAYU-TAYO NA RING MGA MAGKAKAPATID NA PILIPINO. ANO BA NAMAN ’YON?        
   
“Nakakahiya naman kina Gat Jose Rizal at sa iba pa nating bayani. Binigay ang sariling buhay tapos gugulo lang pala ang pinaglaban nila. Huwag na rin tayong magmalinis. WALA NAMANG PERPERKTONG LIDER OR TAO. Bigayan na lang po sana tayo.”
   
Inamin din niya na hindi niya gusto ang pagpasok ni Sen. Kiko sa pulitika.
   
“Kung may kinaiinisan ako, ’yon ay ang pumasok si Kiko sa pulitika. Kasi gusto ko, buhay na tahimik ’pag nag-retire na ako. Gusto ko, magpaligaya lang ng tao. Ayoko na nawawalan o pinagdududahan ng kaibigan kasi sobra akong loyal at totoong kaibigan, lalo kung dahil lang sa pagiging taga-pulitika ng asawa ko.
   
“At ’yun ang calling niya, eh. Gusto niya magsilbi nang TAPAT. Lahat po ng meron kami, pinaghirapan namin. Pinagtrabahuhan. Lahat ng pork barrel niyang natanggap ng lahat ng politiko nu’ng araw pa, napunta sa tama.
   
“Ang joke nga namin dito, kung ’yung iba may unexplained wealth, si Kiko naman unexplained POVER­TY!
   
“Ako, siguro naman, ’di na kaila sa inyong pinanga­nak nang maganda ang buhay at mas nakaipon pa ako nang malaki sa tatay ko. Kaya okay lang po kami, ’di namin kailangan magnakaw!”
   
Ayon pa kay Shawie, ever since, isinasakripisyo niya ang sariling kaligayahan para sa mga mahal sa buhay.
   
“ILANG BESES NA RIN NA SARILI KONG KALIGA­YAHAN ANG SINAKRIPISYO KO PARA SA MGA MAHAL KO SA BUHAY, MULA PA NOONG MALIIT PA SI KC. Lagi silang una. Ako, ’di bale nang huli.
   
“Minsan, sa totoo lang, kahit mahal na mahal na mahal ko ang asawa at mga anak ko, gusto ko umalis at magtago nang matagal na matagal. ’Yung walang may kilala sa akin. Pero sa isang lugar na mahal ko.        
   
“Marami namang lugar ’yun, so, okay lang. Pero ’di puwede, eh. Mami-miss ko pa kayo,” parte pa rin ng post ni Sharon.
   
Ipinagtapat din niya na mayroon siyang matagal nang dinadala sa puso na hindi niya binanggit kung ano.
   
Pero aniya, sana, bago siya mamatay, ang dasal niya ay ibigay sa kanya ni Lord ang hindi naibigay sa kanya.
   
“Sana lang, kahit sana one month bago ako mamatay, IBIGAY NAMAN NG PANGINOON ANG IISANG DINASAL KO NA ’DI NAIBIGAY SA AKIN. ALAM NAMAN NIYA NA INUNA KO ANG AKALA KONG MAKAKABUTI SA MGA MAHAL KO SA BUHAY KESA SA IKALILIGAYA KO. GUSTO KO MAMATAY NA KUMPLETO ANG PUSO KO, ’DI GUTAY-GUTAY, ’DI KULANG.
   
“Anuman ’yon, akin na lang po ’yon. Alam niyo, ma­sa­yahin akong tao. Kilala ninyo akong bungisngis. Pero ’di ba kayo nagtataka kung bakit napakababaw din ng luha ko? May dinadala ako sa puso ko na wala namang makakaayos. Kaya nga dasal na lang ako nang dasal,” saad ni Mega.
   
In the end, humingi siya ng paumanhin sa netizens at sa publiko na nakakabasa ng kanyang mga hinaing sa FB.
   
“Sorry po. ’Di naman ako nagagalit, naglalabas lang po ng naiisip at kaunting kalungkutan. Para ko na kasi itong naging diary kaya ayan, pati tuloy kayo nadada­may.
   
“Pasensiya na po. At least, this might make you understand certain things about me a little better,” sey  ni Mega.