5,785 guests

Kahit ‘chopsuey’ puwede na

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 306

“NATUTUWA” naman tayo mga kabayan at kahapon ay “sinagot” na ni Comm. Nick Faeldon ang reklamo ng apat na ‘local publication’ sa Aduana matapos niyang “ipagbawal” ang sirkulasyon ng mga ito sa loob ng kanyang kaharian, agh, sa loob ng bakuran ng BoC noong isang buwan.

Ang reklamong ito, mga kabayan, ay ipinadala natin kay Press Secretary Martin Andanar at kay DoF Secretary Sonny Dominguez.
   
Ano man daw ang “haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy” kaya bagaman “nahabaan” tayo sa “paliwanag” ni Comm. Nick,  ang kanyang ‘final word’ sa isyu ay… ‘No.’ Isang malaking “NO.” 
   
His “ban” on this waterfront newspapers stay. Period!
   
Translation? “Kung ayaw may dahilan, kung gusto, may paraan,” ganun ’yun, kapatid na Mitos Garcia, hane?
   
Katulad din ito ng sitwasyon sa pantalan ngayon na dahil ayaw sibakin ni Comm. Nick ang kanyang mga kontrobersiyal na ‘consultant’ katulad nitong si Mike Sabban, lahat na lang ng dahilan mayroon si Comm. Nick kaya patuloy pa ring “namamayagpag” sa BoC ang pangkat nitong si Mike -- ang sinasabi ng ating mga miron na “totoong bosing” sa IG -- at ginawa na lang nila ni Comm. Nick na “dekorasyon” si IG officer-in-charge, Atty. Liza Sebastian.
   
Hmm. Para siguro ‘ma-justify’ ang P30,000 na buwanang suweldo ng mga katulad nitong si Mike Sabban bilang consultant ni Comm. Nick?
   
Sa ngalan naman ng “parehas na pamamahayag,” ‘welcome’ sa atin ang ano mang paglilinaw na gustong gawin nitong si Mike at Comm. Nick, partikular sa ‘attitude problem’ nitong si Mike at sa laki ng kanyang tinatanggap na ‘consultancy fee’ mula sa kaban ng bayan. Ayos ba, mga bosing?

* * *   

“Habang tinitipa” natin ang piyesang ito, mga kabayan, isa namang kasamahan sa hanapbuhay ang tumawag sa atin upang “ibalita” na kamakailan ay nagkaroon ng pulong sa Palasyo kung saan, kapit kayo sa silya, dear readers, “binoldyak” umano ni Pang. Digong si Comm. Nick at sinabihan pa (umano) na ‘mag-give way’ na at ang “papalit” umano sa kanya, pansamantala, ay si IAG Deputy Commissioner, Art Lachica.
   
Sapul noong isang linggo, mga kabayan, ito ang ikalawang pagkakataon na nakatanggap tayo ng tawag sa telepono mula sa mga kasama sa hanapbuhay hinggil sa “impormasyon” na ito.
   
At “pareho” lang ang “buod” ng kanilang detalye”binoldyak” ni Pres. Digong si Comm. Nick, “pinagbibitiw” at ang gagawing ‘caretaker’ ay si DCIA Art Lachica.
   
Ang “problema” nga lang dito, dear readers, d’yan sa BoC, “araw-araw” na “balita” na ang commissioner of customs, kung hindi man ‘nag-resign,’ “sinibak” sa puwesto.
   
Malalaman natin ang “katotohanan” sa isyung ito mga kabayan, sa mga darating na araw.
   
Ang “malinaw” kahapon ay nasa Senado si Comm. Nick para sa ‘budget hearing’ at noon namang isang linggo ay nasa Manila Hotel bilang ‘host’ ng World Customs Organization’ (WCO) na ang pagpupulong ay ginaganap ngayon dito sa ’Pinas.

* * *    

Batay sa opisyal na datos ng PNP, nakapaglunsad na ang pamahalaan ng 23,474 operasyon kontra iligal na droga sa pagsisimula ng administrasyong Duterte o mula Hulyo 1 hanggang kahapon ng umaga, Oktubre 3, sa ilalim ng ‘Oplan Double Barrel.’

Sa datos na ito, 22,387 ang mga nahuling ‘drug personalities’ kung saan halos anim (6) na porsiyento lang o 1,375 katao ang napaslang.
 
Sa ilalim naman ng ‘Oplang Tokhang,’ umaabot sa 1,601,691 kabahayan ang “binisita” ng ating kapulisan kung saan 732,115 ang naitalang “sumuko.”
   
Sa panig naman ng ating mga “operatiba,” 13 pulis at 3 sundalo ang namatay habang 46 naman sa kanilang hanay ang sugatan sa mga madudugong engkuwentro sa mga armadong adik at drug pushers/drug lord.