9,764 guests

Onyok, dayong probinsyano

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 764
Symon ‘Onyok’ Pineda Symon ‘Onyok’ Pineda

ISANG taon na pala ang nakakaraan magmula nang mag-taping sa aming probinsya (Botolan, Zambales) ang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan nag-krus ang landas ng Idolo ng Masa na si Coco Martin, Susan Roces at Symon “Onyok” Pineda ganundin ang sangkatutak na malalaki at may kaliitan ding mga bagong artista na sumikat dahil sa numero unong serye na namamayagpag pa rin sa ere hanggang ngayon.

Malayo na ang  nararating ni Onyok na natuklasan ni Coco at direk Toto Natividad. Actually, hindi naman nakuha si Onyok nang mag-audition siya bilang anak ng kakambal ni Coco sa serye. Paalis na si Onyok at ng kasama niya, nang bigla siyang lumingon at sabihan si Coco: “Isama naman po nyo ako diyan (taping)!”

Nakita ni Coco ang hitsura at potential ni Onyok at gumawa sila ng role na bagay sa emote ni Onyok. The rest, ‘ika nga, is history.

Hindi rin taga-Botolan si Onyok. Taga Laguna siya. Dumayo lang siya sa Botolan dahil sa audition.

Bukod kay Coco, mahal na mahal din ng mga taga-Botolan si Onyok na laging binabanggit na “uuwi na siya sa Botolan,” o kaya naman ay magluluto siya ng “binatog (mais with kinudkod na gata)” pag-uwi nila sa Botolan.
   
Nagsalita rin ng Zambal (dialect namin) si Madam Susan. “Mangan tamo (kain tayo),” sabi niya sa mga taga-Botolan, nang kakain na sila.
   
Mula sa Botolan, isinama na rin ni Coco si Onyok sa New York nang mag-show siya kailan lang at nag-duet sila. Pinalakpakan sila nang husto.
   
Magkakaroon ng bonggang celabration sa Oct. 8 (Sabado) ang “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil sa isang taong pamamayagpag nila sa ere. Magaganap ito sa Araneta Coliseum kung saan magpi-perform ang lahat ng mga guest ng serye.

ARJO, NANGANGANIB KAY PAULO

NANGANGANIB na matalo ni Paulo Avelino si Arjo Atayde bilang best supporting actor sa lahat ng award giving bodies early next year dahil sa napakahusay niyang pagkakaganap sa role na bipolar sa katatapos na episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano” nitong Miyerkules.
   
Kung hinangaan si Paulo sa teleseryeng “Bridges of Love” noon, kung saan nag-level up siya sa husay ni Jericho Rosales, higit ang paghanga na natanggap niya ngayon.
   
Nakakahawa talaga ang taglay na talento sa pag-arte ni Coco lalo’t lagi silang magkasama ni Paolo sa maraming eksena ng serye.
   
Iyon na nga lang, galit na galit naman ang mga tagahanga ni Onyok kay Paulo dahil tinatakot-takot niya ang paboritong child star ni Coco.
   
Posibleng manalo rin si Onyok bilang Best Child Actor dahil mata sa mata ang acting nila ni Paulo.
   
PAGMAMAHAL’ NI SAM KAY ZANJOE, KAPANI-PANIWALA
   
KAPANI-PANIWALA bang piliin ng isang tulad ni Sam Milby si Zanjoe Marudo kaysa pagkaganda-gandang babaeng tulad ni Angel Locsin?
   
Ito ang napakalaking hamon na tinanggap ni direk Jason Paul Lacsamana sa pelikulang “The Third Party” na prinodyus ng Star Cinema at malapit ng ipalabas.
   
“Sigurado akong papatok ito sa takilya,” pahayag ni direk Jason Paul sa presscon ng nasabing pelikula.
   
“Sa maniwala kayo o hindi, hindi lang kakaiba, kundi mapangahas at napaka-moderno ng istorya. Nakasentro ang istorya sa hindi inaasahang ugnayan ng mga pangunahing tauhan na sina Sam, Zanjo at Angel,” patuloy niya.
   
Unang nagkaroon ng relasyon sina Angel at Sam noong high school pa sila. Nagkahiwalay ang kanilang landas at nang sumunod na pagkikita nila, akala ni Angel ay magiging ganun pa rin ang damdamin nila sa isa’t isa.
   
Sino naman ang hindi magugulat na mas pipiliin ni Sam si Zanjoe at ano mang pagsisikap ni Angel na muli siyang mahalin at pagnasaan ni Sam ay hindi na naganap?
   
“Kailangan ninyong mapanood ang pelikula para maintindihan ninyo ang dahilan kung ano ang mayroon kay Zanjoe na wala kay Angel,” patuloy ni direk.
   
“Sa umpisa ay iisipin ng mga manonood na imposibleng mangyari ang pinaka-buod ng istorya. Siempre, itatanong din kung bakit tinanggap ni Sam ang nasabing role. Hindi bale si Zanjoe dahil nagkaroon na ito ng karanasan na gumanap sa role na bading sa pelikulang “Bromance” with Cristine Reyes na pumatok sa takilya.
   
“Walang hesitation on the part of Sam nang mabasa niya ang kanyang role. Makatotohanan at ang mga linya nila ay tiyak na papatok sa mga manonood. Ganun kami kasigurado sa magiging reaction ng moviegoers sa tema, lalo na sa mga hugot na emosyon na ibinigay nila.”