6,346 guests

LRT1 naantala dahil naputol ang power source

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Metro
  • Read: 177

NAPATID ang catenary wire o source of power ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kaya naantala ang serbisyo sa kasagsagan ng buhos ng ulan alas-5:30 kahapon ng umaga.

Dahil sa naputol na source of power sa Baclaran depot, nahirapang itulak ang mga coaches o bagon ng tren.
   
Dahil sa kakulangan ng supply ng kuryente, 13 tren lamang ang bumiyahe sa halip na 28.
   
Libu-libong commuters ang naantala sa kanilang pagpasok sa trabaho.
   
Pasado alas-10 ng umaga nang maayos ang naputol na catenary wire at bumalik ang normal operations ng 27 tren.
   
Sa hiwalay na interview, muling nanawagan ang Public Commuters Motorists Alliance (PCMA) sa Department of Transportation (DOTr) na gawin ang lahat upang maiwasan ang nasabing mga aberya sa LRT.