6,572 guests

Hugot?

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 637

Jennylyn-Coco movie ’di natuloy dahil kay Alden

Post ni Jessy sa social media may pinatatamaan

Inamin ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na dahil sa teleserye niyang My Love From The Star kaya hindi na siya tumanggap ng pelikulang pang-Metro Manila Film Festival. Hindi naman daw siyempre niya akalaing madi-delay ang serye since bigla ngang hindi na pumuwede si Alden Richards.

“Dapat po sisimulan na namin ’yung soap sa GMA. Eh, kaya lang po na-delay siya, eh, nu’ng time na ’yun, hindi na po namin tinanggap ang movie kasi sabi ko, magsu-soap tayo, kasi gusto ko namang mag-focus sa soap kasi baka mamaya, haggard-haggard naman ako,” sey ni Jen.
   
Ito nga ’yung offer dapat ng Star Cinema na magsama sila ni Coco Martin na isa pa naman sa wish list niya.
   
Kung nalaman ba niyang madi-delay ang soap niya, gagawa pa sana siya ng movie?
   
“Opo,” mabilis niyang sagot.
   
Kaya habang wala pang soap ay abala muna si Jen sa promo ng Ultimate album niya under Ivory Records na may carrier single na Hagdan.
   
Gustung-gusto ni Jen ang Hagdan personally dahil sobrang nakaka-relate siya sa song na ang buhay ay para ring isang hagdan na patuloy sa pag-akyat kahit minsan ay nadadapa o nadudulas sa pag-akyat.
   
Sa estado niya ngayon, mayroon pa ba siyang gustong hakbangin pataas o kuntento na siya kung ano ang meron siya ngayon?
   
“Ako naman, kilala n’yo naman ako, kung ano ’yung binigay sa akin, ’yun na, masaya na ako. Kung anuman ’yung dumating sa akin, happy na ako and feeling ko, ang swerte ko na rin sa lahat ng dumarating na blessings at sa mga bagay na dumarating sa buhay ko.
   
“So, kuntento na ako. Kahit saang parte ako ng hagdan, okay ako,” pahayag ng Ultimate Star.

* * *

Parang may hugot si Jessy Mendiola sa caption niya ng kanyang pinost na sexy photo na hindi namin alam kung may pinasasaringan ba siya or gusto lang niyang mag-emote.
   
Narito ang post ni Jessy:
   
“No. I’m not posting this for your approval or hate. I’m posting this because I’m happy to show my progress. Last night I finished late from shooting and when I got home, I ate one bag of popcorn and chocolates while watching TV.
   
“Yes people, I do that too. I eat at night sometimes when I’m tired. I’m not really proud of it because it’s not healthy, but hey, I’m a human being and sometimes I just really give in.
   
“You know what’s the best thing about it? I learned that you really have to treat yourself once in a while. Especially when you’re tired.
   
“But make sure you balance it out by exercising and eating healthy most days. I've tried all those fad diets and starvation/fasting stuff. Trust me, they don't work.
   
“You're probably thinking "So ano ba talaga point niya?" My point is, it doesn't matter how long it takes. Do not abuse your body. Eat. Move. Enjoy. I admit, I do feel guilty sometimes but I know it's a process. A long journey but a worthwhile one. ?????? Thank you @mama-katfitness for teaching me patience and balance. Thank you also to @thehealthyhouseph for providing me the right meals. ???????? Strong is indeed beautiful, and right now I feel at my prettiest. #notobodyshaming#strongissexy #bodybymama-kat.”
   
Puwedeng nagbibigay lang ng tips si Jessy on how to stay fit and happy at the same time or puwede ring may kinalaman sa mga bashers niya ang kanyang mensahe.