7,952 guests

Luis, ’di nagsamantala kay Nathalie

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 565

Muli na namang sumabak sa sexy role si Luis Alandy sa pelikulang Siphayo na launching movie ni Nathalie Hart pagkatapos ng controversial film niya with LJ Rreyes na Anino sa Likod ng Buwan na idinirek ni Jun Lana. 

Ayon sa aktor, hindi niya puwedeng ikumpara ang Anino sa Siphayo pero inamin niyang mas nahirapan siyang gawin ang Anino.

“Actually, mas mahirap pa rin ’yung Anino, kasi ’yon 10 minutes na dire-diretso siyang ginawa, no point of cutting it, ang magdedepende lang do’n ay ’yung camera angles, ’yung DOP namin.
    
“Dito kasi,  kina-cut ni Direk Joel (Lamangan), so naka-adjust kami ng anggulo, medyo daring din siya kasi dito full nudity din kami ni Nathalie,” paliwanag ni Luis.
    
Itinanggi naman ni Luis ang ipinahayag ni Nathalie siya ang dahilan ng pag-iyak nito  pagkatapos kunan ang isang maselang eksena sa pelikula.
    
“Si Direk ang nagpaiyak sa kanya, hindi ako,” paglilinaw agad ng actor.
    
“First time niya kasi to do a movie like this and sinabi ko sa kanya na if ever naman na… ginawa ko siyang kumportable sa eksena kasi nararamdaman ko na tensyonado siya sa scene. Sabi ko, ‘pag nagkamali tayo uulit tayo nang uulit, ikaw din ang mahihirapan,’” sabi pa niya.
    
Kinumusta na rin namin si Luis kung okey na ba sila ni LJ after sa naging isyu sa kanila pagkatapos ng Anino.
    
Sey ng actor, “I’m not sure, hindi ako sure kung ano. Ako, okey naman ako sa kanya. Whatever happened naman kasi sa movie, we were friends before, siguro meron lang hindi pagkakaunawaan, hindi nagkaintindihan within the production, the actors, hayaan na lang natin.
    
“Ang sa akin naman, ginawa ko lang kung ano yung trabaho na pinagwa sa akin. I don’t think I went overboard, hindi naman ako ganu’ng klaseng artista,” paliwanag pa niya.
    
Samantala, ngayon ay balik-ABS-CBN na ulit si Luis. Kasama siya sa cast ng The Greatest Love bilang asawa ni Dimples Romana. Bida sa serye si Sylvia Sanchez.
    
Eh, kumusta naman ba ang working relationship niya ngayon with ABS-CBN?
    
“Okey naman. Actually, hindi naman ako parang pressured talaga na… kasi ilang years na rin naman ako sa industry pero siyempre you have to prove yourself again  kasi matagal din ’yung 10 years na nawala ka sa kanila,” sambit pa ng aktor.
    
Palabas na nga pala ang Siphayo in selected cinemas sa Oct. 5.