5,881 guests

Sultan Rimbang suportado ng 43 samahan ng mga Muslim, Kristiyano

  • Written by Jon-Jon Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 358

SI Sultan Edrieza H. Nasser Rimbang, Al-Hajj, executive assistant ng Office of Muslim Affairs ng Maynila, ay suportado ng 43 samahan at asusasyon ng mga Muslim at Kristiyano sa buong bansa para pamunuan ang tanggapan ng National Commission on Muslim Filipinos, (NCMF)..

Ito ay ginawa nila dahil sa mga proyekto at serbisyo na ginawa ni Sultan Rimbang sa anim na distrito sa Maynila.   Malaki ang kanyang naimbag sa pamumuno ni Mayor Joseph Ejercito “Erap” Estrada para maibalik ang dangal ng Maynila sa pagsulong ng kaunlaran at kapakanan ng mga mahihirap na namumuhay ng may dangal.
   
Nakapagpasuko siya ng mga tao sa Muslim Center na gumagamit ng Illigal na droga at gumagawa ng korapsyon.
   
Nais ni Sultan Rimbang na magkaisa ang mga Muslim at Kristiyano sa buong bansa,  kasama ang pag-suporta  ng mga tribo ng Maranao, Tausug, Maguindanao, Iranun, Subanon, Kalagan, Kalibugan, Palawan, Samal,  Molbog, Sangil, Yakan,  Mapun, T’Boli, Lumad at B.I (Balik Islam).
   
Naniniwala ang mga nag indorso sa kanya na kung siya ang mamumuno sa nasabing tanggapan ay hindi lang sa Maynila niya ito magagawa kundi sa buong bansa.
   
Nangako rin si Sultan Rimbang na tutulong siya sa abot ng kanyang makakaya para makamit ang tunay na pagbabago na hinahangad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa nais nito na maipatupad ang pagsulong ng federalismo sa buong bansa lalo na sa Mindanao kasama ang kampanya laban sa Illigal na droga at Korapsyon.
   
Si Sultan Rimbang ay director din ng Rotary Club of Camp Karingal at opisyal ng Philippine Army. Siya rin ang deputy director for Asian Affairs ng 5 Pillars of Justice Association of the Philippines, Inc. (Anti Crime Crusaders Group), at kasalukuyang acting president ng Lions Club International sa Intramuros sa Maynila, at siya rin ang presidente ng Puonan sa Ramain, Babae’s sa Dit-saan Ramain sa Lanao Del Sur.
   
Nagpapasalamat siya sa pagtitiwala at sa pag-indorso sa kanya ng  ibat ibang samahan at asusasyon ng Muslim at Kristiyano sa buong bansa.